GOOD day po, ako po ang isang mamamayan/botante ng Navotas or isa po akong Navoteño.
Matagal na pong nagrereklamo ang ilang residente dito sa aming barangay, North Bay Boulevard South. Dito po sa Ilang-Ilang street pero wala pong aksyon na nagagawa.
Ako po ngayon ay nandito para i-email sa sa inyo or sa Navotas action center na sana makarating sa ating butihing mayor or departamentong sinasakop ang aking reklamo.
Hindi ko na po kasi kayang makita ang nangyayari sa mga mag-aaral or estudyante ng Mababang Paaralang North Bay Boulevard Elementary School.
Madalas na ilang batang mag-aaral ang nakikita kong nalulusot sa mabahong kanal, pati na rin ang ilang dumaraan dito sa aming lugar ay nakakaranas dahil sa masikip na daan na hindi naman ganoon dati.
Kamakilan nga nakita ko nagsagawa ng emergency drill or earthquake drill ang paaralan para sa mga mag-aaral pero natakot ako sa mga nangyari, ilang estudyante ang nahulog sa kanal dahil sa masikip na daan dito.
Dagdag pa, ang mga nagtitinda sa Ilang-Ilang street. Nakaraang taon, nagkasunog dito at hindi na halos makapasok ang mga truck ng bombero dahil sa sikip ng daan kaya ilang bahay ang nasunog.
Maraming bahay din dito sa unahan ang nagsilampasan na halos sakupin na ang daanan na dating nakadaraan ang malalaking sasakyan pero ngayon kahit bisikleta ay hirap nang dumaan. Pati mga basura ay dagdag pasikip na rin sa daanan, at ilang gamit ay nakatambak sa daanan tulad ng bisikleta, mesa, upuan at alagang manok, kulungan at tolda.
Sana po makarating ang aking reklamo kay Mayor Tiangco at sa MMDA. Sana po bigyan ng luwang ang daanan dito sa NBBS Navotas Ilang-Ilang street.
Ibalik po ang dating daanan para sa mga mamamayan na nakatira rito at mag-aaral ng paaralan.
Sana po pakitanggal ang mga nakaharang sa daanan. Paki-ayos ang mga kanal at higit sa lahat pakibawasan po ang sobrang bahay na lagpas na sa daanan.
Nanawagan po ako kay Navotas Mayor JOHN REY TIANGCO na resolbahin ang problema sa aming lugar. Pakibigyan po ng aksiyon ang nangyayaring hindi maganda sa aming lugar. Maraming salamat po.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com