BILANG performer, hindi big issue para sa Pinay international singer na nakabase sa Japan na si Maricar Riesgo ang pagpaparetoke para mas ma-enhance ang hitsura.
Ani Maricar, ”Sa akin naman, hindi issue if magparetoke ang isang artist lalo na if sa tingin niya mas makapagpapa-boost iyon ng kanyang self confidence.
“Unang-una, choice naman niya ‘yun as long na sa pagbabago ng hitsura eh hindi magbabago ang ugali. Dapat mas lalo kang maging mabait at humble if mas na-enhance ang iyong looks.
Ikaw ba naisip mong magparetoke, tanong namin sa kanya. ”Oo , noong nagsisimula ako. Feeling ko ang laki-laki ng ilong ko ha ha ha pero hindi rin natuloy kasi natatakot din ako.
“Kaya heto medyo mataba pa rin ang ilong ko ha ha ha,” pagbibiro ng Pinay International Diva.
Sa ngayon ay abala si Maricar sa promotion ng kanyang awiting Lumuluha na mula sa komposisyon ni Yang Duna at arrange by Elron Tiguia at ipinrodyus ni Rob Tiquia.
Kasabay ng pagpo-promote ng kanyang carrier single ang konsiyerto niyangMaricar Riesgo, Untold Music na magaganap sa Oct. 25, 7:00 p.m. sa Music Hall, Metrowalk Pasig City. Kakaibang Maricar ang mapapanood sa konsiyertong ito.
Magiging espesyal niyang panauhin sina Angelo Miguel, Gio Levy, Sta Maria band, Ritmo band, Cosmoc Wall Band, N2dg Band, Rapido, at Aikee. Host naman sina Boobita at Pepita Curtis.
Check Also
Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema
MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …
Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla
PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …
Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55
PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …
Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine
INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …
Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis
MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …