KUNG may Shy Carlos si Empoy Marquez sa The Barker na ipalalabas sa October 25, may Ivan Padilla naman ang leading lady nito sa phenomenal hit movie na Kita Kita, si Alessandra De Rossi na magkasama naman sa pelikulang12.
Si Ivan, Filipino-American Hollywood actor ay Germaine de Leon ang ginamit na screen name sa mga US television series na CSI at Dexter.
Una naming nakilala si Ivan nang mag-guest sa radio program namin sa Dzbb 594 Walang Siyesta ni Ms Lou Gopez at doo’y nakita na namin ang drive nito para maka-penetrate sa local showbusiness.
Taglay ni Ivan ang good looks, magandang tindig, at husay sa pag-arte na napanood namin sa kanyang mga TV series kaya naman swak na swak itong pang leading man.
Hangang sa napanood namin ito sa hit movie na 100 Tula Para Kay Stella bilang boyfriend ni Bela Padilla na maraming manonood ang nakapansin sa husay ni Ivan.
At ngayon ay leadingman na siya ni Alessandra sa 12 na hatid ng Viva Films mula sa direksiyon ni Dondon Santos at mapapanood na sa November 8 sa mga sinehan nationwide.
Check Also
Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema
MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …
Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla
PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …
Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55
PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …
Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine
INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …
Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis
MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …