Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrew Gan, saludo sa kabaitan ni Marian Rivera!

AMINADO si Andrew Gan na noong simula ng teleseryeng Super Ma’am na pinagbibidahan ni Marian Rivera, na-intimidate raw siya Kapuso Primetime Queen. Ngunit nang tumagal ay nalaman niyang napakabait pala ni Marian.
“Si Ate Marian, noong una ay intimidating and natatakot ako sa kanya. Based iyon sa mga naririnig ko sa ibang tao. Pero nang nakausap ko na siya, bilang ate ko siya sa TripleA, sobrang mali ‘yung mga tao na nag-judge sa kanya.
“Kasi si Ate Yan (tawag kay Marian), napaka-down to earth niya. Walang ka-arte-arte sa katawan. Babaeng bakla ba kung tawagin nila. Hehehe! At higit sa lahat, totoong tao siya. Kaya siguro palagay ko nami-misinterpret siya ng mga tao. Pero ang totoo, sobrang bait niya at kapag kasama mo siya ay hindi niya ipaparamdam sa ‘yo na big star siya. Kaya Love ko ‘yan si Ate Marian,” ani Andrew.
Kontrabida si Andrew sa naturang serye, pero walang kaso sa kanya ito. “Sa Super Ma’am ay kakaiba ang role ko. First ko ito gawin, antagonist po. Pero hindi siya basta kontrabida lang e, iba kasi ang attack ng normal na teleserye sa Telefantasya e. Iba iyong movements, iba iyong attack ng lines. Kaya double effort talaga ako para makapag-adjust.
“Dream role ko talaga ang maging kontrabida. Mas challenging, kasi ay mas malawak iyong range na puwede mong ibigay. Masarap laruin iyong character na kontrabida, kaya wala pong problema sa akin kung malinya ako sa kontrabida. Bida-kontrabida nga sana sa future, hehehe!”
Itinuturing ni Andrew na biggest break niya sa telebisyon ang teleseryeng Super Ma’am. ”Opo, biggest break ko itong Super Ma’am. Sa ABS CBN talaga ako nag-start. First soap ko po itong Super Ma’am sa GMA-7. Doble Kara and Be My Lady ang last show ko sa kabilang network,” pakli ng 24 year old na si Andrew.
Dagdag niya, “Naging blessing din iyong Doble Kara and The Third Party, 2016 iyon bale, same year. Kasi for me, iyon ang nagbigay sa akin ng confidence dahil malalaking artista po ang nakasama ko roon. Magandang stepping-stone po siya para sa sarili ko, para ma-built iyong self confidence ko at maging ready sa bigger role. Blessing po talaga ‘yun.
“Blessed din ako kasi direk LA (Madridejos) ang unang naging director ko sa GMA. Sobra iyon mag-alaga ng character. Talagang iga-guide ka, kaya mahal na mahal siya ng mga artista niya e.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …