Monday , December 23 2024

Obstruction sa kalye lagot kay Duterte (Illegal parking dapat nang alisin ng MMDA)

TIWALA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na maipapatupad na nila ang paglilinis ng lahat ng mga obstruction sa main thoroughfare sa buong Metro Manila matapos ang maigting na direktiba ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte noong kanyang 2nd State of the Nation Address (SONA).

Mukhang babalik na ang bilib ng mga tinabangan kay MMDA Chair Danny Lim, kung magagawa niyang linisin ang mga traffic obstruction sa buong Metro Manila.

Pero ang pasubali natin dito, mukhang nakatutok lang ang MMDA sa mga indibiduwal at pribadong motorista na nakaparada sa mga kalye sa harap ng kanilang bahay, sa itinatakdang bahagi ng Mabuhay Lane.

Ang Mabuhay Lane ay itinuturing na alternatibong ruta sa mga pribadong sasakyan upang makaiwas sa masikip na trapiko o sila ay makabawas sa pagsisikip ng trapiko.

Pero marami nga ang umaangal na hindi mai-maximize ang pagdaan sa Mabuhay Lane dahil maraming nakahambalang na nakaparadang sasakyan. Ang matindi, marami pa ang naka-double parking.

Sa isang banda naman, paano nga naman ‘matatakot’ ang mga indibiduwal na motoristang ginagamit na garahe ang mga kalsadang ginagastusan nang milyon-milyon ng gobyerno kung ang isang pambansang liwasan (national park) ay pinababayaang maging illegal parking area ng mga UV Express, kolorum na van at provincial buses ng mga opisyal ng barangay?

Isang ‘klasikong eksampol’ nito ang Liwasang Bonifacio (Plaza Lawton) sa harap ng Central Post Office at Postal Bank sa Ermita Maynila.

Paano nga namang makikiisang sumunod ang mga residente sa kahabaan ng Mabuhay Lane sa ‘kautusan’ ng Pangulo kung mayroong mas malaking ‘illegal parking’ na namamayagpag na mukhang ‘nakapagsasalok’ pa ng malaking kuwarta mula sa mga ilegalista?!

Kung ginagamit na lisensiya ni MMDA Chair ang direktiba ni Pangulong Digong para walisin ang mga sasakyang ilegal na nakagarahe sa kalsada, aba unahin nila ang ‘malawak’ na illegal parking sa Liwasang Bonifacio.

Sana ay totohanin rin ni MMDA Chairman Danny Lim na hihingin ang tulong ng local government units (LGUs) para mapatawan ng parusang suspensiyon sa loob ng anim (6) na buwan ang barangay officials na hindi malilinis ang mga obstruction sa kanilang lugar.

Chairman Danny Lim Sir, umpisahan na po ninyong linisin ang illegal parking sa Liwasang Bonifacio…

Now na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *