NAKAKALOKA ang balitang sa instant pagbabago ng anyo o hitsura ng Internet Sensation na si Marlou Arizala o mas kilala na bilang Xander Ford ay kasabay din ang pagbabago ng ugali.
Una na ngang napabalitang nanigaw ito ng marshall sa ABS-CBN nang minsang mag-guest sa isang programa na sinundan ng pagpo-post nito sa social media ng bago niyang larawan at ng Pambansang Pogi at bida sa The Barker na si Empoy Marquez sa kung sino ang mas pogi sa kanila.
Kasunod din nito ang balitang may ilang mga estudyanteng hiningi ang tulong ni Xander para ma-interview para sa kanilang final output for radio and TV production subject.
Umokey naman ang management na humahawak kay Xander, ang Star Image Artist Management matapos nilang magtawaran na mula sa P60,000 para sa isang oras na interbyu sa kanilang alaga.
Dahil hindi inaasahan ng mga estudyante na mayroon pa lang bayad at ganoon kalaki, napilitan na lang silang makipagtawaran hanggang sa nauwi sa P20K for 15 minutes only, na pilit pa rin nilang tinatawaran ng P18K-P15K. Subalit hindi na talaga pumayag kaya ang final tawaran nila ay P20K for 15 minutes.
Dahil kailangan nilang magawa ang isa sa requirement sa school napilitan ang mga estudyanteng kumagat sa turing ng Star Image. Nagdeposit na sila ng P10,000 sa BDO account ng Star Image at hiniling nila na magpadala sa kanila ng contract na hindi nagawa ng kampo ni Xander dahil laging sinasabing busy sila.
Nag-request pa ang Star Image na ideposit na rin ang kakulangang P10K bilang kabuuan ng napag-usapang P20K. Doon na nag-isip ang mga estudyante lalo pa’t may mga nakausap silang hindi naman dapat ganoon kalaki ang bayad o ang iba ay walang bayad na hinihiling.
Ini-request na lang nilang ibalik ang idineposito nilang P10K dahil ayaw na nilang ituloy ang gagawin nilang proyekto kasama si Xander. Noong una’y sinabi sa kanila na magtungo sa tanggapan nito sa Quezon City para makuha ang pera subalit nagbago muli sila ng statement. Doon sinabi ng Star Image na hindi na makukuha ng mga bata ang ibinigay na P10K dahil naabala na sila na dapat ay natanggap nila ang mga iba pang inquiry.
Sinabi pa ng pamunuan ni Xander na para matuloy lang, okey na sila sa P10K na unang ibinayad ng mga bata. Subalit hindi na nabago ang desisyon ng mga estudyante na hindi na ituloy ang interbyu. Katwiran nila, nahirapan na sila sa pakikipag-usap at bakit tila ginigipit talaga sila.
Hanggang isinusulat namin ito’y wala pang development kung maibabalik ang P10K na ibinigay ng mga estudyante sa pamunuan ni Xander.
Mukhang may katotohanan nga ang lumalabas na balita na sabay ng pagbabago ng hitsura nito, ang mabilis ding pagbabago ng ugali hindi lamang ni Xander maging ng mga taong nasa paligid niya.
Check Also
Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema
MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …
Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla
PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …
Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55
PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …
Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine
INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …
Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis
MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …