Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Galing at lalim umarte ni Joshua sa The Good Son, nakabibilib

BAGAMAT sinasabi ni Joshua Garcia na huwag siyang laging ikompara kay John Lloyd Cruz. Hindi iyon maiiwasan.

Sa ipinakikitang galing nito sa The Good Son, na napapanood sa ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes, talagang bibilib ka sa husay at lalim niyang umarte.

Ayon kay Garcia, ayaw niyang maikompara kay Cruz dahil hindi niya mapapantayan ang actor. ”John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz,” anito sa isang interview. ”Sana makagawa rin ako sa sarili ko.”

Sinabi pa ni Garcia na sa tuwing may bago siyang ginagawang proyekto lagi iyon isang learning process dahil sa mga bago niyang nakakasamang actor at director.

At sa mga magagaling na artistang nakaka-eksena ni Garcia sa The Good Son tulad nina Mylene Dizon, Eula Valdez, at John Estrada, hindi malayong tanghaling pinakamahusay na actor din siya sa hinaharap.

Samantala, maganda ang ratings na nakukuha ng The Good Son na hindi nakapagtataka dahil talaga naming kaabang-abang ang mga eksena rito lalo ngayong hindi pa nalalaman kung sino nga ba ang lumason kay Albert Martinez.

Sa Urban at Rural ratings na nakuha naming noong October 2, mula sa Kantar Media, pinasasadsad nito ang katapat na show. Mayroong 19.1% ang The Good Son samantalang ang katapat na My Korean Jagiya ay mayroon lamang 11.9%.

Sa kabilang banda, hindi pa rin matalo-talo ang FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin. Nananatili itong pinakapinanonood at hindi mailampaso ng katapat na show. Gabi-bagi, lalong tumaas ang ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano. Katunayan sa national TV rating noong Oktubre 2, mayroong 40% ito samantalang mayroon lamang 17.7% ang Super Ma’am. Hindi talaga kinaya ng powers ng mag-asawangMarian Rivera at Dingdong Dantes (dating katapat ng serye ni Dante sangFPJAP) ang lakas ni Coco sa masa.

Hindi rin mapatumba ng lakas ni Dingdong ang La Luna Sangre dahil mayroon itong national TV rating na 36.5%, kompara sa kanyang Alyas Robin Hood na mayroon lamang 14.2%.

Kahit ang TV Patrol ay pinakapinanonood na news program na mayroong 34%, samantalang ang 24 Oras ay mayroon lamang 20.3%.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …