LINISIN ang buong kabahayan, tanggalin ang nakatambak na mga ka-gamitan at walisan ang lahat ng dark corners, bulabugin ang chi na tumirik doon.
Maghanda nang malalaking mga kahon, sulatan ang mga ito ng label bawa’t isa at ng kasalukuyang petsa. Isulat ang “long-term sto-rage,” “letting go” at “undecided.”
Ilagay ang lahat ng mga bagay na sa iyong palagay ay hindi na ga-gamitin sa loob ng mahabang panahon sa “long-term storage” box. Ang mga ito ay mga bagay na hindi mo maaa-ring itapon, ngunit maaaring hindi mo naman kailangang halungkatin (katulad ng old bank statements).
Ilagay naman sa kahong may markang “letting go” ang mga bagay na maaa-ring bahagi ng iyong kasaysayan ngunit nais mong itabi lamang.
Kunin ang “undecided box” at ilagay dito ang lahat ng mga bagay na nakakalat sa inyong bahay ngunit sa iyong palagay ay baka kailanganin mo pa.
Makaraan ang isang buwan, itapon ang mga bagay na sa iyong palagay ay hindi mo na nami-miss sa “letting go box.” Itabi ang dalawang iba pang mga kahon hanggang sa susunod na buwan, at pagkaraa’y suriin kung maaari mong ilipat ang mga bagay mula sa “undecided box” patungo sa “long-term storage box. Suriin ang sa-rili kung nakaramdam ka ng pagi-ging komportable sa “pakikipaghiwalay” sa mga bagay na nasa “undeci-ded box.”
BUENAS SA PUNGSOY
ni Lady Choi