>MINSAN habang ikaw ay ganap na naka-relax at hindi nag-iisip ng kung ano pa man, saka ka naman nakapag-iisip nang magagandang mga ideya.
Ang prinsipyo rito ay sa mga sandaling ito ika’y higit na nakatatanggap ng chi mula sa labas, at sa pamamagitan nito iyong natatamo ang uri ng inspiras-yong hindi mo batid na iyo palang makukuha.
Ito ay tungkol sa pagpapasok ng creativity mula sa labas, imbes na hanapin ito sa loob.
*Ang layon dito ay ang pag-hinga nang malalim. Humiga at ipatong ang iyong mga kamay sa iyong pusod. Habang humihinga, palakihin ang iyong tiyan upang maiangat mo ang iyong mga kamay. Ipraktis ito ng ilang sandali hanggang sa maayos ka nang nakahihinga sa pamamagitan ng iyong tiyan.
*Punuin ang tiyan ng hangin at ipagpatuloy ang paghinga patungo sa iyong dibdib. Ilabas ang lahat ng hangin mula sa iyong katawan sa pamamagitan ng “out-breath.”
BUENAS SA PUNGSOY
ni Lady Choi