NAKAGUGULAT at tiyak napa-iwwww ang mga nakapanood na ng unang pasilip sa teaser ng pelikulang Nay, isa sa entry para sa Cinema One Originals sa Nobyembre at idinirehe ni Kip Oebanda(ng Bar Boys) at pagbibidahan nina Enchong Dee, Jameson Blake, at Sylvia Sanchez.
Naka-10k views na ito simula nang i-post noong Setyembre 4.
Bale nagulat din kami at natakot nang madatnan si Sylvia habang kinakabitan ng prosthetics ng grupo ni Jeff nang magtungo kami sa Pasig para sa set visit ng pelikulang Nay.
Hindi naman ito ang unang pagkakataong nakaganap na aswang ni Sylvia. Aniya, nakaganap na siya bilang mangkukulam at aswang. Pero kakaibang aswang ang gagampanan niya sa Nay.
“Hindi ito aswang na tipikal na napapanood natin. Iiyak kayo sa aswang na ito,”unang tsika ni Sylvia.
Anang aktres, hindi lang ito ang tipikal na aswang na kumakain ng tao. ”Ito kasi nahahati sa puso ng tao at puso ng aswang. Mahal ko ang alaga kong si Enchong pero aswang ako eh, pero mahal ko, ‘yung ganoon. May puso siya. Mahal niya ang alaga niya,” paglalahad ni Sylvia ukol sa karakter niya.
Hindi rin ito ang unang pagkakataong makagawa ng indie film ni Sylvia. Nakagawa na siya rati, ang Sikil. ”Ngayon na lang uli ako nag-indie. Actually may mga offer sa akin na indie before nitong ‘Nay’. Ang problema, natapat sa schedule ng ‘The Greatest Love’ (teleserye niya sa ABS-CBN) na everyday taping kaya hindi ko kayang gawin. Eh ngayon kakaumpisa ko lang ng teleserye namin ni Arjo, (anak niya), nauna ito at natanggap ko na at saka ang ganda-ganda rin ng role ko rito talaga.”
Pagkatapos ng The Greatest Love, nagsunod-sunod pa rin ang dating ng proyekto ng Ibyang (tawag kay Sylvia) pero nakapagpahinga pa rin naman siya. “Nakapagpahinga naman dapat three months nga, kaso hindi umabot, hanggang two months lang kasi may project agad na dumating eh, ‘di sige, okey lang. Sunod-sunod na dumating ang offer eh alangan namang hintayin ko pa ang three months eh, ‘di tanggap lang.
“Thankful ako sa mga project na dumating tulad ng La Luna Sangre,” sambit pa ni Sylvia.
At dahil sa araw-araw na trabaho ni Sylvia, naikuwento nitong kahit ang kama niya ay hindi na niya makita. ”Umuuwi ako sa bahay at nag-i-stay lang ako ng mga 2-3 hours, tulog. Minsan wala talagang tulog diretso na ng taping.”
Bagamat ganito ang routine ng aktres, nae-enjoy naman niya ang maraming proyekto at hindi siya nagrereklamo. ”Nagugulat pa rin ako. Kasi parang ha? Talaga? Dire-diretso everyday may trabaho. Kasi before ‘di ba, marami naman din akong show dati pero hindi naman everyday. May three times a week na taping. Pero ngayon kahit Sunday ko napapakiusapan na mag-shoot ako dahil may mga hinahabol. Pero ‘yung Sunday ko pumapayag ako basta 5:00 p.m. o 3:00 p.m. ang call time. Basta after lunch.
“Ngayon thankful talaga ako na pinagkatiwalaan ako ng role rito sa ‘Nay’ na ako si Inay, ako si Nay, si Enchong ang alaga ko, tapos si Jameson Blake ang best friend ng alaga ko. Tapos ‘yung show namin ni Arjo, tapos sa Regal naman na ‘Mama’s Girl’ so, nag-aaraw-araw talaga ang trabaho ko,” masayang kuwento pa ni Sylvia.
In between ng aming kuwentuhan ay napapatigil kami dahil sa pakamot-kamot niya sa prosthetic na inilagay sa mukha niya at kamay. Hindi naman iyon first time ni Sylvia dahil sa Takbo Talon Tili, isang mangkukulam ang ginampanan niya roon at nilagyan din siya ng prosthetic. ”Pero hindi kasi buong mukha, iyong ilong at chin lang ang nilagyan.”
Pero si Sylvia ang artistang walang pakialam kung ano ang magiging hitsura niya. At kung maaari nga lang naming ipakita ang hitsura niya habang kausap namin, talaga namang katatakutan siya. ”Kaya nga artista eh. Ako okey lang kung pangit. Nang pumasok akong artista inilagay ko sa puso ko na artista ako, gagampanan ko ang role na ibibigay sa akin kung kinakailangan. Kapag umiiyak, distorted naman talaga ang mukha. Mayroong magandang umiiyak, may pangit, ganoon lang iyon.
“Huwag mong isipin na maganda ka pa rin kapag umiiyak. Hindi totoo iyon. Aminin natin, kapag umiiyak tayo, naiiba mukha natin,” aniya pa at sinabing kahit ipagupit ang buhok niya ay okey din lang sa kanya.
“Itong buhok ko ngayon, pinagupitan ko roon sa serye namin ni Arjo kasi kailangan ng bagong looks kasi sa ‘TGL’ mahaba ang buhok ko. So, pinagupitan ko naman pinaigsian ko. At kung may role nga ako na kailangang magpakalbo ako, gagawin ko. Hindi ako gagamit ng wig. Kung magandang-maganda ang ‘yung role, maayos, why not?”
Sinabi pa ni Sylvia na gusto niyang magpakalbo talaga dahil gusto niyang ma-experience iyon. Hindi lang niya magawa dahil wala namang rason para gawin niya iyon. Kaya hiling niya n asana ay mabigyan siya ng role na kalbo at gagawin niya iyon.
For the meantime, sa Nay muna ang concentration niya na tiyak niyang magugustuhan ng publiko dahil kakaibang Sylvia na naman ang mapapanood dito.
It’s Like This
book ni Kuya Boy,
‘hindi pinlano
IGINIIT ni Kuya Boy Abunda na hindi pinlano ang paglilimbag ng kanyang librong It’s Like This: 100+Abundable Thoughts mula sa ABS-CBN Publishing na inilunsad kahapon sa Shangrila-La Mall.
Sa tagal nga naman niya sa industriya marami ang nagtatanong kung ngayon lamang siya gumawa ng libro. Aniya, ”Hindi ito pinlano for a specific reason. Nangyari na lamang. I actually written a book on management, on managing talents at napunta nga kami rito at naging trilogy nga ang aming naging usapan ng ABS-CBN Publishing. Ibig sabihin, my second book is actually done. It’s ready for printing. It’s a compendium of speeches na aking idinilever sa doctoral graduation ko at ‘yan ay handa na.
“Ang pangatlo kong libro will be on managing a public figures,” pagbabalita pa ni Kuya Boy.
“Kung bakit ngayon lang? Hindi ko talaga alam. It just happened. It happen. Noong naumpisahan namin ang daming pagkakataon na huwag na muna (ituloy), ang dami kong trabaho. Hindi maituloy parang ganoon, until you know. So many people helped, Bemz (Benedito, isa sa editor ng libro) na pasimuno talaga. There are times na I kept on writing, thank you Lord you make it happen.”
Natanong din si Kuya Boy kung bakit hanggang 137 pages ang nilalaman ng kanyang libro at bakit hindi 150, 200? ”One of the most done thing parts of writing a book is being able to decide kung ano ang ipapasok at kung ano ang ie-edit. When we were doing a book, napunta roon sa… pero wala ‘yung, ano ‘yung last? The last quote is 137, napunta lang doon pero I wanted na ang last one (page) will be an odd number. Wala lang suwerte ko.”
Ang format ng librong It’s Like This ay quote at hindi iyong normal na libro, ”I was writing quotes for another material pagkatapos napunta roon. Wala talaga ito sa… ako makaplano eh, you guys know me. ‘Yung management book ko eh I did a structure, 1,2,3,4, 5, 6 ito wala. Pero I have to start somewhere and I’m glad, I started with ‘It’s Like This,’ magaan, light lang na narrative.
“It’s my story, my whole story, it’s part of my story. The whole thing you can write a story in the whole book. Pero kahit paano naririyan ang maraming kuwento ukol sa aking buhay. At sa kabaitan naman ng ‘Philippine Star’, binigyan nila ako ng pahintulot na gamitin ang mga artikulong aking isinulat early on while I was doing ‘Direct Line’, so kay Miguel Belmonte, ang kaibigang Ricky Lo, maraming-maraming salamat.”
Sa rami ng ginagawa ni Kuya, ano nga ba siya? ”Anak ng nanay ko!” Siyempre hindi mo na isasali roon ang Diyos, sabi ko nga, I’m a child of God, I am Boy Abunda, I profoundly love my mother, I love this country, I’m a talk show host, I’m an interviewer, I am a partner, I am a teacher, I am a student, I am me.”
Aminado naman si Kuya Boy na kinakausap din niya ang sarili sa salamin tulad ng ginagawa niya sa mga guest niyang artista sa kanyang show. ”Oo naman. Kinakausap ko talaga ang sarili ko. It is important to have a self talk. It is important to do self talk. Maganda ba ang aking ginawa, maayos ba ako. Was I fair? Bakit umiyak, tumawa ang isang tao? It is important that we asses our selves as often as we can.”
Sa librong It’s Like This, tiyak na ngingiti, iiyak, tatawa ang sinumang makakabasa tulad ng mga guest na dumalo sa book launching na tulad ni Rhodoroa “Tita Doray” Morales na inilahad niyang naiyak siya dahil sa quote na pagpapakita ng pagmamahal si Kuya Boy sa kanyang ina.
Bukod dito, ilan pa sa lessons na makukuha sa libro ay ang: laugh and live with your successes and failures, knowing that all are fleeing; everything and everyone has a dark side, embrace it; gay love is equal to all forms of human love; love your mother, return phone calls, fight only when you need to, read books and the best spa is at the feet of God; always play for the crowd and remember that they won’t always be there at marami pang iba.
Mabibili ang It’s Like This sa halagang P275 sa National Book Store at Powerbooks branches nationwide.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio