NAPAKASAMA ng nangyari dahil sa paratang sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ay maraming pamilya ang nadamay dahil sa P6.4 bilyong shabu na nasakote ng mga operatiba.
Ang mahalaga ay nahuli ang illegal drugs ‘di ba?
Sa tingin ko, talagang sindikato ito ng mga Chinese.
Bakit ang sinabi ng China customs na magparetrato at dapat safe ang informer na si Richard Chen?
I pity this customs officials na walang kinalaman sa kasong ito. Biktima sila ng pagkakataon.
‘Yung ibang nabanggit na bagman ay matagal nang nasa floating status. Pero mayroon talagang mga garapal sa tarahan.
***
Nagtataka lang ang marami sa customs, kung bakit hindi isinama si Atty. Hilario at DepCom. Gambala sa kinasuhan ng PDEA?
Doon sa kanila nag-umpisa ang alingasngas at sila ang may kontrol sa computerization na selectivity system na green lane.
There is something wrong at fair is fair dapat!
Kawawa naman ang mga taga-BoC na laging nagiging punching bag.
***
Ang mga tao sa BoC-PIAD ay dapat sibakin o palitan dahil walang ginawang maganda sa media. Puro lang pasikat at sipsip. Mayroon Mr. B, na kung umasta akala mo mas mataas pa sa commissioner.
Mantakin ninyo, turnover ni incoming Commissioner Lapeña at outgoing Commissioner Faeldon, tinatakpan niya o sinasadya na takpan ang turnover dahil likod niya ang nakikita ng mga cameraman at photographers.
‘Yun isang babae na napaka-plastik sa media diyan lakas sumipsip noon kay bolerong Commissioner Lina.
Sibakin na mga ‘yan!
PAREHAS
ni Jimmy Salgado