Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerico, mana sa amang si Gov. ER

MAIPAGMAMALAKI ang pelikulang Amalanhig: The Vampire Chronicle ng Viva Films at VicVal Blue Sapphire Productions dahil maganda ang pagkagawa nito mula sa mahusay na direksiyon ni Francis “Jun” Posadas at pinagbibidahan ng anak ni dating Laguna Governor ER Ejercito, si Jerico Estregan kabituin ang Kapuso star na si Sanya Lopez at napapanood na sa kasalukuyan.

Ginagampanan ni Jerico ang isang medical student na nag-iimbestiga kung totoong mayroong amalanhig (half-human, half-creature) sa isang probinsiya.

At sa pagpapalabas ng kanyang launching film ay hindi naman napi-preasure ang binata dahil napaghandaan naman niya ang pagsabak sa pag-arte sa pamamagitan ng acting workshops.

“Sa akin, hindi naman ako masyadong napi-pressure. More of excited kung anong magiging result ng movie namin.

“Kasi handa naman ako. Before doing this, inihanda ko ‘yung talent ko when it comes to this industry, ‘yung acting, hosting, dancing and singing.

“Kaya pagdating sa ganito, no pressure, normal lang sa akin kasi napaghandaan ko na talaga through workshops and I have to be ready,”

Dagdag pa nito, “Nakatulong sa akin ‘yung pagiging atleta ko. Madali rin lang naman, hindi sagabal ‘yung mga sugat-sugat kasi nga napunit ‘yung pants ko rito, eh.

“No major accidents naman, sugat lang, malalaking sugat lang. Pero okey lang naman.

“Parang walang ipinagkaiba iyan sa pag-aaral. Dapat kahit tapos ka na you will never stop studying and learning. Lalo na sa acting, I believe, continues learning process ‘yan, eh,” pagtatapos ng guwapong binata.

MATABIL
ni John Fontanilla



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …