Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, madalas kasama si ‘baby love’ na kuya pa

KUNG pagbabasehan ang mga picture na ipino-post ni Ellen Adarna sa na kanyang Instagram account, puwedeng masabing nagkakamabutihan na sila ni John Lloyd Cruz..

Pwede rin namang sabihin siya ang pinakamalapit sa ngayon sa aktor.

Tulad ng napapansin ng marami sa sunod-sunod na kuha nila sa kung saan-saan, makikita ang sweetness, caring, importansiya nila sa isa’t isa.

Sa post ni Ellen noong Miyerkoles, habang nasa Cebu, nakaakap si JLC kay Ellen habang nasa harapan niya ito.



Mayroong video post din ang dalawa na bagamat hindi kita ang aktor mababanaag naman ang anino nito habang inilalakad ni Ellen ang aso.

Rampa sa umaga with Kenzo 🏃🏻‍♀️🚶🏻🚶🏼‍♀️🏃🏻🐶 @ekomsi #anino

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on



May post din si Ellen na ipinakikita ang bagong gupit na si JLC. May caption iyon ng, “@ekomsi ang fresh ni kuya parang highschool lang hahaaha #Chess Nights.”

@ekomsi 👶🏻❤️ ang fresh ni kuya parang highschool lang hahaaha #chessNights

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on



Nitong Linggo, Setyembre 24, nag-post muli si Ellen ng malayong kuha sa babae’t lalaking magka-holding hands sa dalampasigan. Wala itong caption.



May post din na bukod sa dalawa ay isang kaibigan na tila katatapos lang o nag break for a picture, sa paglalaro ng chess.

Gnyt #chessNights

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on



May post din si Ellen na tinawag ni Ellen si John Lloyd na “baby love.”



Bagamat sinabi na ni Ellen na magkaibigan lang sila ni Jon Lloyd. Bahala na ang readers at followers ng dalawa ang mag-isip kung ano nga ba ang tunay nilang relasyon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …