Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robi, wala pa sa mood makipag-date

HINDI itinanggi ni Robi Domingo na hindi pa siya handa na muling magmahal pagkatapos nilang magkasira ng mahigit tatlong taong GF na si Gretchen Ho.

Ani Robi nang makausap namin pagkatapos niyang mag-host sa Sun Life Financial Philippines na inilunsad ang Sunpiology Duo ni Piolo Pascual, wala pa siya sa mood para makipag-date sa ibang babae.

Madalas pala siyang i-set-up ng date ng mga kaibigan subalit hindi siya interesado.

Aminado kasi ang magaling na host na hindi pa siya handang magmahal muli. “Not yet and that’s true! Ah, I need space pa na hindi ko alam kung anong nangyari, siguro sobrang nangyari before or walang nangyari ngayon kaya hindi ako makapag-decide kung ano ang gagawin ko sa buhay muna,” sambit pa ng binata.

Nag-uusap naman sila kaya hindi niya inaalis ang posibilidad na magkabalikan sila.

“On my end, I think so. My doors are not closed for anything pero ngayon siguro I’m just sticking to the right side of things right now, ‘yung tama kasi if I decide depende sa feeling ko lang. Kunwari ngayon feeling ko, siya na babalikan ko, ito na ‘yun kasi I’m 28 na at siya 27 na, so bawal nang magkamali,” paliwanag pa ni Robi.

Samantala, kasabay ng ika-9 taon ng Sun Life Financial Philippines, ang paglulunsad ng bago nilang proyekto, ang Sunpiology Duo na bukod sa Resolution Run ay idaragdag ang Sun Life Cycle.

Ibig saibhin, hindi lang ang pagtakbo ang iki-cater ng Sunpiology Run ngayon, kundi kasama na ang mga siklista na pinahahalagahan ang mga tulong nito sa kalusugan ng bawat Pinoy.

“We recognize cycling’s growing popularity in the Philippines and this is our share in helping and encourage more people to get into the sport.  Just as it is in our fun run.  Sun Life Cycle PH will cater to different ages and will offer different categories,” anang Chief Marketing Officer ng Sun Life na si Ms. Mylene Lopa.

Kasama dito ang mga batang 2 years old na puwedeng sumali sa Sun Life Cycle para makasanayan nila ang benepisyo ng ehersisyo kaysa magbabad sa mga gadget na pinagsisimulan ng kung ano-anong sakit.

May pitong kategorya ang Sun Life Cycle; ang Tricycle Ride 100 meters para sa mga batang 2-3 taon; Kid’s Ride 500 meters para sa 4-5 taon; Family Ride 30 minutes para sa 6-15 taon na may kasamang adult; Solo Ride 30 minutes 6-15 taon; Short Distance Ride 20km para sa 10 years old pataas; at Long Distance Ride 40km para sa 10 years old at pataas.

May Charity Category rin na tinatawag, ang Bid2Bike na tiyak ikatutuwa ng fans dahil puwede nilang sabayan ang mga artista sa pagbibisikleta na may kasama pang photo souvenir at autograph signing ang mga idolong sina Gerald Anderson, Inigo Pascual, Matteo Guidicelli, at Piolo Pascual at iba pang Star Magic talents na kasali rin.

May special participation din ang Australian professional road bicycle racer na si Robbie McEwen. 

Gaganapin ang Sun Life Cycle PH sa Bonifacio Global City, Taguig sa Nobyembre 18 at ang Sun Life Resolution Run ay magaganap sa Enero 20, 2018 na ang mga kategorya ay 3K, 5K, at 10K na tinawag na Run Rio.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio





Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …