Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Lumilipad na pero inabot pa rin ng humahabol

Gd mwning Señor,

Nanagnp aq na lumlpad kc my humahabl skn tapuz lge dn aqng naabot ng humahabol skn. I’m Jonel Rino ng Cbuyao.
(09076339706)

To Jonel,

Kapag nanaginip na ikaw ay lumilipad, ito ay may kaugnayan sa sense of freedom na noong una ay inaakala mong wala kang kalayaaan o kaya naman ay limitado lamang.

Dapat pahalagahan at ingatan ang magagandang kapalaran na dumarating sa iyo, upang hindi makalagpas sa iyo ang grasya at huwag masayang ang oportunidad na abot-kamay mo na. 

Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga, upang ang inaasam mong tagumpay ay makamit at magkaroon ng katuparan. Maaari rin namang sa kaso mo, ito ay isang sagi-sag ng kagustuhang makatakas sa mga bagay na kinatatakutan o mga bagay o taong gustong iwasan.

Ngunit mas makabubuting imbes iwasan ay harapin ang mga ganitong sitwasyon o suliranin upang matuldukan ito.

Ang panaginip na ikaw ay hinahabol ay nagpapakita na iniiwasan mo ang ilang sitwasyon na sa palagay mo ay hindi mo mapagtatagumpayan o kaya naman ay wala kang mahihita o mapapakinabangan. 


Ito ay maaari ring isang metaphor para sa ilang uri ng insecurity. Partikular, kapag hayop ang humahabol sa iyo, ito ay nagre-represent ng iyong unexpressed at unacknowledged anger na nabibigyan ng projection.

Alternatively, maaaring ito ay nagpapakita rin ng pagtakbo o pag-iwas mo mula sa primal urge o fear. Dapat mong pag-aralan at makayanang harapin ang mga ganitong bagay, upang magkaroon ng closure at ikaw naman ay makapagmove-on na. 

Sa kabilang banda, kung madali kang mahabol ng humahabol sa iyo, posibleng nagpapakita rin ito ng iyong kakulangan sa self confidence at iniisip mo marahil ang superiority ng mga kalaban mo o kasabayan sa trabaho o negosyo.

Dapat patatagin ang iyong self confidence at dapat na maging maingat sa mahahalagang desisyon na gagawin at huwag maging padalos-dalos.

Señor H.



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …