Saturday , November 23 2024

Token Lizares, ayaw paghaluin ang politics at charity

MULA noon hanggang ngayon, tumutulong pa rin ang tinaguriang Charity Diva na si Token Lizares.

Bukas palad pa rin ang pagtulong niya sa mga kapuspalad nating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagsasagawa ng concert si Lizares at gumagawa ng album para makalikom ng pondo na itutulong  sa mga orphanage, homes for the elderly, pagpapagawa ng mga simbahan at emergency room sa mga government hospital.

Ayon kay Token, nakuha niya ang pagiging matulungin sa kanyang ina. Kaya huwag nang magtaka kung ang ipinangalan sa kanya nito ay Token dahil pareho silang mahilig magbigay ng tulong.

Sa paglulunsad ng bago at ikatlong album ni Token na may titulong Till The World Is Gone sa ilalim ng Vehnee Saturno Music Corporation, sinabi ni Lizares magkakaroon din siya ng concert sa RJ Bistro, Dusit Thani Hotel, Makati, 8:00 p.m. sa Sept. 30.

May limang tracks at limang minus one ang album niya kabilang na ang  Ikaw Ang Sagot, Ganyan Ka Kamahal, One Life To Live, at ang carrier single na Till The World Is Gone na isinulat lahat ng award-winning composer na si Saturno. Kasama rin sa album bilang bonus track ang composition ni Token na Time Moves On. 

Mabibili naman ang Till The World Is Gone album sa Astro Vision/Astro Plus music stores sa buong bansa at mada-download na rin ang digital copies nito sa Spotify, Amazon, iTunes at Google Play Store.

Sa kabilang banda,  trending ang music video ng Till The World Is Gone sa YouTube kasama ang actor na si Al Tantay bilang leading man. Kasama rin sa music video sina Kiel Alo at Ella San Andres na idinirehe ni Miggy Tanchangco.

May mall at radio tours si Token sa Oktubre at maririnig na sa mga local station ang Till The World Is Gone.

Sa album launching ay naibahagi ni Token ang mga personalidad na pinagkakautangan niya ng loob. Ito ang mga
personalidad na laging nakasuporta sa kanyang mga charity work. Ito ay si Joel Cruz ng Aficionado at ang Ysa Skin Care Clinic.

Samantala, bukod sa pagkanta at pagtulong, pinasok na rin ni Lizares ang pag-arte. Napanood na siya sa afternoon series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw na gumanap siyang may-ari ng parlor at kaibigan ng komedyanteng si Shalala Reyes.

Bukod sa Pusong Ligaw, may indie film din siya, ang Burahin Ang Salot sa Lipunan na idinirehe ni Bert Abihay Dagundong.

Ayon kay Token, wish niyang makasama sa isang proyekto ang mga idolo niyang sina Nora Aunor at Freddie Aguilar.

Sa mga nang-iintriga naman na papasukin niya ang politics kaya tumutulong siya. Iginiit niyang nasa puso niya ang pagtulong.

“Ayaw kong paghaluin ang politics at charity. Kung tutulong ako mas gusto kong galing sa pamamagitan ng aking mga kanta.”

Sinabi pa ni Token na ayaw niyang masabihan na tumutulong siya dahil may hinihingi siyang kapalit.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio



About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *