Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerico, gustong malinya sa paggawa ng action; Huhusgahan sa Amalanhig

KAHANGA-HANGA ang disiplina sa katawan ng ikatlo sa anak nina dating Governor ER Ejercito at Pagsanjan Mayor Maita Sanchez, si Jerico. Kaya naman hindi kataka-taka kung napili siya bilang Head Coach ng Nike+ Run Club Manila simula noong June 2015 hanggang sa kasalukuyan.

Brand ambassador din siya at coach ng Color Manila Challenge na siyang nagtuturo sa mga tumatakbo ng tamang training bago at pagkatapos tumakbo.

Head Coach, Nike+Run Club Run din siya at member ng DLSU Men’s Track & Field Varsity Team. Bago itoý nagwagi siya sa 8th Asia Pacific 2017 International BodyBuilding & Fitness Championship at marami pang iba na kung babanggitin naming lahat ay napakahaba na ng aming artikulo ukol sa kanya. Anyway, naikuwento sa amin ni Jerico na araw-araw ay hindi niya kinalilimutan ang mag-exercise o tumakbo kahit abala siya sa shooting o anumang trabaho. “Basta kung maaga ang call time mas aagahan ko pa ang exercise o kaya naman ay sa gabi,” anito na nang hingan naming ipakita ang abs na pinaghirapan niyaý hindi naman ipinagkait sa amin.

Tunay na ehemplo si Jerico sa pagpapaganda ng katawan at disiplina sa mga tamang kinakain.

At sa magandang pangangatawan, tama lamang na malinya nga siya sa action tulad ng kanyang amang si dating gobernador ER na pawang mga action film din ang ginagawa. Ito rin naman ang gusto niyang tahakin. Kaya tiyak na mabubuhay at magiging masigla na naman ang action film sa pagpasok ni Jerico.

Nakalabas na si Jerico sa Ben Tumbling, Asiong Salonga, General Emilio Aguinaldo, Muslim Magnum 357, Across the Crescent Moon at Mandirigma. At ngayon, bida na siya sa Amalanhig na handog ng Viva Films at VicVal Blue Sapphire Productions na mapapanood na sa Setyembre 20 at idinirehe ni Gorio Vicuna.

Ayon kay Jerico ang Amalanhig ay half human-half creature, na orihinal na nagmula sa mythology folklore na napunta sa Panay island. “It tends to be vampire because of struggle and depression,” anang binate.

Bukod sa pagiging actor, tumulong sa editing, visual effects, sequences ng events si Jerico dahil aniya, “we’re not totally satisfied sa una kaya we had to helped out sa paggawa ng pelikula. Sabi nga ng parents ko in doing movie, try to make the best, try to make some quality.”

Gagampanan ni Jerico ang isang college student na gustong tuklasin kung totoo ang Amalanhig kaya nagpunta sila ng kanyang mga kaklase sa probinsiya kung saan ito nagmula.

Bagamat maganda ang pangangatawan ni Jerico, hindi naman iyon nagamit para ipakita dahil wala siyang eksenang naka-top less. “Üsually ang mga eksena ko nakasando pero it’s a fit sando so, I think my physique here is maipakikita. At saka when it comes to horror or action films this is one way to show masculinity,” anito.

Bukod sa Amalanhig, marami pang proyektong nakapilang gagawin ang batang actor na pawang mga action film.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …