Monday , December 23 2024

Desentonadong investigation sa Senado in aid of destab

WALA na sa tono ang mga isinasagawang imbestigasyon ng Senado na nag-ugat sa P6.4-B shipment ng illegal drugs na ipinuslit sa Bureau of Customs (BoC) at nasabat noong Mayo sa Valenzuela City.

Imbes paglikha ng batas ay tila ‘in aid of destabilization’ na ang pakay ng imbestigasyon ng Senado.

Kaya naman nasa-sabotahe at naaantala ang pag-usad ng mga kasong dapat isampa laban kay Mark Ruben Taguba at sa mga amo niyang Tsekwa na matagal nang nagpapayaman sa smuggling ng shabu sa Customs.  

Sinasadyang ilihis ng imbestigasyon ang koneksiyon ng mga pinangalanang senador na umaming Ninang at Ninong sa kasal ni Kenneth Dong, ang isa sa mga suspected illegal drugs trafficker na nasa likod ng nasamsam na P6.4-B shipment ng shabu.

Sina Sens. Risa Hontiveros, Joel Villanueva, Ralph Recto, Migs Zubiri at Francisco “Sharon Cuneta” Pangilinan ay mga umaming sponsors nang ikasal si Kenneth Dong noong 2013.

Dahil nakadeklara sa mga isinumite nilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec), napilitang aminin nina Hontiveros at Villanueva na tumanggap sila ng kuwarta mula sa inaanak na suspected illegal drugs traficker para sa pagtakbong senador.

Si Hontiveros ay dalawang beses namantikaan ng campaign funds ni Kenneth Dong sa magkahiwalay na pagtakbong senador – P3-M noong 2013 at P5-M noong 2016.    
  
Malamang na napasigaw pa ng “Praise the Lord” si Villanueva na nagdeklarang P3-M ang naibulsang pondo mula kay Kenneth Dong.

Pero para kay Sen. Antonio Trillanes IV at mga kasamahan niyang senador, mas matimbang na ebidensiya ang selfie photo kaya ipinatawag nila sa Senado si  presidential son Davao city Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw na si Atty. Carpio na isinangkot lang ang mga pangalan sa ‘tara’ na walang ebidensiya.   

Si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na nag-akusa kay dating Commissioner Nicanor Faeldon at ilang opisyal ng Customs na umano’y tumatanggap ng ‘tara’ ay itinuring ng Senado na ‘gospel truth’ ang privileged speech.

Ni isang senador ay walang nakaisip na ipatawag sa imbestigasyon ang anak na si Panfilo “Pampi” Lacson, Jr., na dokumentado ang nabulgar na smuggling ng barko-barkong imported cement sa Customs at inireklamo ng cement industry bansa.  

Si Trillanes na mahilig maglabas ng mga “bank deposit” ay nagalit nang may maglabas din laban sa kanya at agad nagbantang magsasampa ng kasong Libel.

Hindi ba malaking banta sa malayang pamamahayag si Trillanes na mahilig mag-akusa pero ayaw maakusahan?

Bale ba, walang kadala-dala kahit una na siyang napahiya sa bintang bago ang 2016 elections na may bilyones daw na deposito si Pang. Digong sa banko na hindi naman niya napatunayan.  
 
Bobo, estupido at gago na lang ang hindi makakahalata na ang bansa ay ginugulo ng mga walanghiya sa Senado.

Senado na ang sumisira sa demokratikong sistema ng pamahalaan at inilalagay sa kanilang kamay ang mga batas.

Inunahan na ni dating Commissioner Faeldon ang maitim na balakin ng mga senador laban sa kanya at boluntaryong isinuko ang sarili na madetine sa Senado.  

Ipinagmamalaki ni Sen. Richard Gordon na ililipat ng kulungan sa Pasay City jail o sa New Bilibid Prison (NBP) si Faeldon kapag sa palagay nila ay hindi nakiisa sa kanilang imbestigasyon.

Kailan pa naging basehan sa pagkulong ng tao ang palagay lang?

Para kay Gordon at sa mga abusadong mambabatas, ang gusto lang nilang marinig ang dapat sabihin ng mga ipinatatawag nila sa imbestigasyon.

Kailan pa nabili ni Gordon at ng mga mambabatas ang copyright sa paghatol ng katotohanan?

Lumilitaw na ‘pag may gusto pala tayong ipabilanggo ay sa Senado na lang natin dalhin ang kaso para kulong agad na hindi na daraan sa due process of law.

Bagay na bagay sa mga senador ang narinig kong sinabi ng Hollywood actor na si Matt Damon sa isang forum na: “There are people who are in jail but are supposed to be out of jail. And there are those who are out of the government but not in the government.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *