SA tuwina, hindi namin maitago ang paghanga sa Gabay Guro project ng PLDT. Ito ang isa sa kapuri-puri naman talaga, lalo na’t nasa ika-10 taon na ang pagsasagawa ng adbokasiya nilang ito, ang nation-building through teacher advocacy.
Taon-taon ay ipinagdiriwang ng PLDT ang kanilang GabayGuro Foundation sa pamamagitan ng Grand Gathering na nag-iiwan ang kasiyahan sa may 20,000-member-strong-organization na binibigyan nila ng inspirasyon at handing humarap sa malalaki pang pagsubok sa field ng education.
Sa event na ito na ang mga mahal nating guro o ang itinuturing na modern heroes ay nakaka-experience ng nararapat na pagpapahalaga sa kanila, ang world-class entertainment at outstanding prizes na babago sa kanilang mga buhay. Tunay na isang daan para ipagdiwang ang maraming taong inilalaan nila at pasasalamat sa kanila na nagmumula sa bumubuo ng GabayGuro Foundation na pinamumunuan niChaye Cabal-Revilla.
Siyempre pa, hindi ito maisasakatuparan kung wala ang tulong ng Brand Advocacy head na si Gary Dujali, na siyang utak sa magandang gawaing ito. Aniya, mas espesyal ang pagdiriwang ng GabayGuro 10th year.
Kaya hindi kataka-taka kung nakakuha na ito ng mga pagkilala tulad ngGawadTanglaw, Anvil Awards noong 2016, Phil. Association of National Advertisers (PANA), at sa Philippine Quill Awards.
At sa ika-10 taong pagdiriwang, magaganap ito sa September 17 sa Mall of Asia Arena. Asahan ang explosive celebration nito dahil darating ang mga malalaking artista at performer para magbigay kasiyahan at makiisa sa pagdiriwang sa mga guro. At siyempre hindi mawawala ang pa-raffle na para sa mga guro na ipamimigay ang dalawang house and lot, dalawang sasakyan, livelihood opportunities, gadgets at cash prizes, at marami pang naglalakihang papremyo.
Ang mga magbibigay-kasiyahan sa 10th anniversary ng Gabay Guro ay pangungunahan nina Lea Salonga, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Jaya, Sarah Geronimo, PiaWurtzbach, Pops Fernandez, MJ Lastimosa, Andrew Wolfe, Michael Pangilinan, Jona Viray, Marian Rivera, Southborder, Jay-R, Luke Mejares, Jinky Vidal, Medwin Marfil, UP Pep Squad, at ang G-Force, at marami pang naglalakihang stars.
Naging matagumpay ang event na ito dahil na rin sa tulong ng kanilang mga sponsor tulad ng Ayala Land, Foton, PR Savings Bank, Motorlandia Philippines, Honda Motorcycle, Suzuki Motorcycle, Yamaha Motorcycle, Devant, Myphone, Telescoop, PECCA, First United Travel Inc., Enchanted Kingdom, Penshoppe, Filstar, Fly Ace, Taisho, PLDT, Smart, Sun at TNT.
Ang GabayGuro ay mayroon ng 1,200 scholars sa iba’t ibang state colleges at universities nationwide. Mayroon na ring 300 LET passers, 496 active scholars as of August, 2016 at inaasahan ang 167 graduates sa 2017. Nakatutuwa rin na sa mga GabayGuro scholars na gumradweyt, 137 dito ay may honor—112 cum laude at 25 magna cum laude. Nakipag-partner na rin ang GabayGuro sa local government units para mapalawak pa ang teacher education.
Bukod dito, nagsasagawa rin ng training ang foundation sa 16,000 teachers. Sa ngayon, mayroon silang eight training programs para sa mga guro sa buong bansa, ito ay ang Teacher’s Treasure Chest; English Proficiency Training; Computer Literacy; Emotional Intelligence; Teacher’s Armor; Leadership Training; IT Sustainability and Literacy; at Unleashing Creativity in Teaching. Kasabay din nito ang pagsasagawa ng anti-drugs training sa mga eskuwelahan.
Ayon nga kay Ms. Revilla, ”our nation’s children depend on our nation’s teachers to lead them to the future. And this teachers’ month, GabayGuro gives tribute to those who teach the next generation of nation-builders.”
Ang PLDT GabayGuro grand tribute event ay inilaan lamang para s amga guro. Mabubukas ang gate ng 12 nn. Admission is free kailangan lamang nilang i-like ang GabayGuro sa www.facebook.com/gabayguro.
Para sa ibang information please visit the GabayGuro official website www.gabayguro.com, and follow them on twitter and Instagram at @PLDTGabayGuro.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio