Friday , January 10 2025

Pinag-iinitan si Mocha

BINOBOMBA si Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa pagsasayaw niya sa Bar 360 ng Resorts World Manila (RWM) tuwing Martes.
May batas kasi na ipinagbabawal sa sinomang opisyal at empleyado ng gobyerno ang pumasok sa mga casino na nakasaad sa Presidential Decree No. 1067-B (series of 1977), as amended by PD No. 1869 (series of 1983).
Maging si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay ilang ulit nang binalaan ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan na huwag papasok sa mga casino at pasugalan.
Nang likhain kasi ang naturang batas ay wala pang mga entertainment establishment noon sa mga casino, ‘di tulad ngayon na may mga bar, sinehan, restaurant at mall kaya puwedeng isama kahit mga musmos na bata. Malinaw na bini-bigyan lang ng masamang kahulugan ang pagsasayaw ni Mocha sa RWM dahil hindi naman pagsusugal ang kanyang pakay, kung ‘di ang magtanghal bilang entertainer na dati na niyang propesyon.
Ang hirap, namimili lang kasi ng pag-iinitan ang mga kalaban ng administrasyon.
Sabi nga, “they are barking up the wrong tree.”
Kung talagang hindi sila malisyoso, imbes si Mocha, ang Philippine Amusement and Gaming Corruption, ‘este Corporation o PAGCOR na walang ginagawa para ipatupad ang batas ang bombahin nila.
Maraming empleyado at opisyal tayong alam na malimit magsugal at inuumaga sa mga casino – may gobernador, congressmen, mayors at konsehal pa!        
At kung tutuusin, pati sa sugal na sabong ay maraming malakas magpatalo at daang libo kung pumusta kada soltada, lalo kapag may malakasang derby. (Kahit itanong pa nila kay Toto Sevilla ng Bureau of Customs, ‘di ba, Sen. Ping Lacson?)

OMBUDSMAN, WALANG SILBI
TATLONG buwan ang nakaraan, nagsampa ng kaso ang inyong hamak na lingkod sa tanggapan ng Ombudsman laban sa isang opisyal ng barangay na nagsusugal sa casino.
 Isinumite natin bilang ebidensiya ang ilang larawan ni Chairwoman Ligaya V. Santos habang nakaupo at pumupungkaw sa isang gaming table ng City of Dreams casino sa Parañaque na kuha noong Marso 15, 2017.
 Si Santos ang kontrobersiyal na overstaying chairman ng Bgy. 659-A (Zone 71) na may sakop sa Liwasang Bonifacio sa Plaza Lawton, ang pinakamalaking illegal terminal ng bus at colorum van na nagpapasikip ng trapiko sa Maynila.
Hanggang ngayon ay wala pang resulta ang kaso na isinampa natin noong Hunyo laban kay Santos.
Tama si Pres. Rodrigo “Digong” Duterte na bansagang “selective justice” ang Ombudsman dahil namimili lang ng pagkakaperan, ‘este, aatupaging kaso.
Hindi na nga siguro mapagkakatiwalaan ang Ombudsman kaya susubukan din nating idulog ang kaso ni Santos sa Office of the President at baka sakaling may mangyari.

NASAAN ANG $66-M
SA $81-M NINAKAW

MALAKING katatawanan ang pagsasampa ng money laundering case laban kay Maia Santos Deguito, dating manager ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) sa Jupiter branch Makati, kugnay ng ninakaw na $81-M.
Wala ni isa sa mga nasa likod ng pagnana-kaw sa kuwarta ng bansang Bangladesh ang kinasuhan at si Deguito lang ang inipit ng Department of Justice (DOJ).
Hindi ba ang pagsasauli ni Kim Wong ng $15-M ay ebidensiya na pasimuno sa pinakamalaking bank heist na naganap sa kasaysayan?
Pero ang dapat ipagtaka ay wala ni isa mang senador ang kumikibo gayong sa ibang isyu na hindi pagkakaperahan ay maingay sila laban kay Sec. Vitaliano Aguirre II?
Saan napunta at sino-sino kaya ang namantikaan ng hindi nabawing $66-M na ninakaw sa Bangladesh Bank?
Halata!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: lapidfire_14@yahoo.com)

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *