Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eagle Riggs, nagbalik-tanaw sa yumaong BFF na si Direk Wenn Deramas

SA Sept. 15 ay muling ipagdiriwang ng mga malapit na kaibigan ni Direk Wenn Deramas ang kaarawan niya.

Ayon sa BFF niyang si Eagle Riggs, muli nilang gugunitain ang kaarawan ng box office director mula nang pumanaw ito noong February 29, 2016 dahil sa heart attack.

Si Eagle ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Direk Wenn sa mundo ng showbiz. “Birthday na ni Wenn sa September 15, two years na namin sine-celebrate ang birthday niya na wala siya. Nakaka-miss siya, mahal kasi ako niyon talaga. Kapag may shooting kami niyon, nila-last pung niya ang eksena ko para lang magtagal ako sa set at nang may kachikahan siya.” Ipinahayag din niya ang sobrang pagka-miss sa namayapang kaibigan. “Sobrang miss ko na si Direk Wenn, mula nang nawala siya, nawalan din ako hindi lang ng projects, kundi ng isang tunay na kaibigan. Dati, lagi akong kina-cast sa mga projects ni Wenn, ngayon halos ang dami ko nang kakilalang nilapitan, kinausap at nagmakaawa, pero seen zone na lang ako.

“Kung minsan nagre-reply pero wala raw sa kanila ang call kundi sa management. E, sila na nga ‘yung management a, mga boss na sila e, hahaha! Pero I understand, ganoon yata talaga at dadaanin ko na lang sa dasal. May mangilan-ngilan pa namang mga totoong kaibigan ang nandiyan pa at ‘di pa rin nakalilimot,” pakli niya.

Si Eagle ay mapapanood sa nga indie film na Adik ng BJP Film Production at tinatampukan nina Kevin Poblacion, Ara Mina, Rosanna Roces, at iba pa, mula sa direksiyon ni Neal ‘Buboy’ Tan. At sa Bakwit ni Direk Jason Paul Laxamana na tampok naman sina Devon Seron, Nikko Natividad, Ryle Santiago, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …