ISANG maningning at matagumpay na gabi ang naganap katatapos na World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) sa Fukuoka, Japan.
Pinanday ng Pinay-Japanese multi-awarded performer, beauty queen, at civic leader Emma Cordero Toba o Emcor noong 2015, ang WCEJA ay kumikila ng mga personalidad, household brand, organization na may angking galing at kakayahan mula sa Japan, Pilipinas at ibang panig ng mundo.
Bilang highly-acclaimed performer worldwide, at kinilala bilang Asia’s Princess of Songs sa Asia Pacific Awards Council at Most Outstanding International Performer sa Gawad Amerika, nakakita ng isang malaking oportunidad si Emcor na pagsamahin ang kanyang passion sa pagkilala ng great talents at makatulong sa kapwa. Dama kasi ni Emcor na ang WCEJA ay daan para sa pagtulong sa kapwa, civic programs at scholarships na ipinagkakaloob ng Ai Wo Agetai (I Wanna Give Lpve) Foundation o NPO Houjin sa Japan at higit ding makatulong sa Voice of an Angel Foundation (VOAA) Philippines para sa mga less fortunate scholars ng Our Lady of Fatima de San Pedro School sa San Padero Laguna.
“Ang aming mga scholar at beneficiaries ay galing talaga sa mga mahihirap na pamilya nguinit may mga mataas na pangarap sa buhay, na makapagtapos sa kanilang pag-aaral at makamit ang kanilang mithiin sa buhay. Ang magkaroon ng katuparan sa kanilang mga pangarap sa buhay sa tulong na rin ng mga taong may malasakit sa kapwa,” sambit ni Emcor.
Nais ng WCEJA na mas makilala at parangalan ang mga performer, artist and influential personalities sa entertainment at mga kapaki-pakinabang na industry’s household names.
Gusto ring kilalanin ng WCEJA ang mga budding artists and performers na marating ang rurok ng tagumpay. Higit sa lahat, ani Emcor, “to serve as a lampstand of faith, hope and inspiration for people who believe in their worth and giftedness, that they can make a difference not only in their personal lives, but also in the lives of others and in the image of their country as well.”
Sa ikatlong pagdiriwang ng WCEJA, pararangalan ang Pinoy singing icon Freddie Aguilar bilang World Class Achiever Multi-Awardee Icon King of Philippine Music and Composer 2017 kasabay ni KAPPT President Imelda Papin bilang Ambassador of Goodwill 2017. Tatanggap din ng parangal si Katrina Paula bilang Most Outstanding Philanthropy and Seductive Beauty Queen 2017 at Marjorie Jalosjos bilang Most Outstanding Public Servant 2017.
May mga beauty queen ding pararangalan tulad nina Vivian Yano, World Class Beauty Queen and Philanthropist 2017 at Model and Beauty Queen Iana Lutska, World Class Outstanding Model and Beauty Queen 2017.