Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julian, sangrekwa pala ang fans

ISA kami sa nakapanood ng advance screening bagong handog na pelikula ng Viva Films at N2 Productions, ang FanGirl/FanBoy na palabas na ngayon sa mga sinehan at pinagbibidahan nina Julian Trono at Ella Cruz.

Nakatutuwa ang pelikula na kung gusto mong mag-relax ay tamang-tamang panoorin.

Nakatutuwang naipakita pa rin ni Julian ang galing sa pag-arte at may chemistry silang dalawa ni Ella. Malinaw ang pagkakalahad ng istorya at pagkakadirehe ni Barry Gonzalez na ng pelikula ay ukol sa isang one-hit boy wonder na sobra ang bilib sa sarili. Hibang na tagahanga rin siya ng isang Korean actress na pumapapel sa karakter ni Sandy/Android 5000. Si Ella naman ay si Aimee, isang dubber na tumulong/nagpagamit kay Ollie para matupad ang pangarap. Kaso, ang kapalit ng pagsikat ni Ollie ay ang pagka-heartbroken ni Aimee dahil sa ilang komplikasyon na dulot ng unti-unting pagsikat ni Ollie.

Sa aming panonood, nagugulat kami na sa tuwing lalabas ang karakter ni Julian ay ang paghihiyawan ng fans nito. Marami na pala itong fans na nagtyagang pumila para mapanood agad ang pelikula ng kanilang iniidolo.

Lalo pang nagwala ang mga ito nang may eksenang maghahalikan sina Julian at Ella. Patunay na tanggap ang tambalan ng dalawa at marami na ang kanilang followers.

Sa tinuran ng JulinElla noon sa kanilang mga interbyu na sanaý mag-enjoy ang kanilang fans sa pelikula, nakamit naman nila iyon dahil may mga eksenang talagang pumapailanlang ang tawanan at hagikgikan.

Kaya kung gusto ninyo ng light at very refreshing movie, watch na kayo ng FanGirl/FanBoy na teen-oriented romantic comedy ng taon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …