Friday , November 15 2024

Curfew hour sa QC, para sa kaligtasan ng kabataan — Gen. Eleazar

INIULAT na 73 menor-de-edad ang pinagdadampot ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Linggo ng gabi. Bakit? Anong atraso ng mga bata?

Pinagdadampot ba sila kaugnay sa kampanya ng gobyernong Digong laban sa ilegal na droga? Hindi naman. E anong dahilan para arestohin ang mga bata?

Walang kinalaman sa droga ang pagdampot sa 73 kabataan kundi, ito ay pagpapatupad ng pulisya sa ordinansa ng lungsod laban sa mga kabataang mahilig maggagagala sa gabi o dis-oras ng gabi.

In short, pinagdadampot ang mga bata makaraang lumabag sa ipinatutupad na curfew sa lungsod. Bawal nang maggagala ang mga menor-de-edad mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. Gano’n? Iyan ang nilalaman ng QC Ordinance 2301 na mahigpit na ipinatutupad ng QCPD na pinamumunuan ni District Director, P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar.

Ayos, tama lang na ipatupad ang ordinansa… para ito sa proteksiyon ng mga kabataan.

Pero kompleto ba ang bilang ng 73 minors na nadampot? Ibig kong sabihin, wala bang nalagas sa kanila? Wala bang nanlaban?

Kompleto naman ang bilang ng mga bata. Sila ay nasa pangangalaga na ng kani-kanilang magulang. Pero bago ang lahat, ipinaliwanag ng QCPD sa mga magulang ang hinggil sa ordinansa bukod sa pagsasabing para sa kapakanan din ng mga bata ang “disciplinary hour” sa lungsod.

E ba’t naman natin naitanong kung kompleto ang bilang ng 73 minors? Mahirap na kasi baka nabawasan ng isa matapos manlaban.

Ha ha ha!

QCPD po ang nandampot at hindi Caloocan police kaya kompleto ang bilang. Gano’n? Mabuti naman kung magkaganoon.

Pero kayong mga naarestong kabataan, huwag na huwag kayong pumasok sa Caloocan… at baka ano pang puwedeng mangyari sa inyo. Marahil batid ninyo ang nangyari kina Kian at Carl.

Anyway, in fairness sa Caloocan police. Nanlaban daw kasi ang dalawa kaya sila’y pinagpapapatay ‘este, kaya napatay matapos ang enkuwentro.

Balik tayo sa ordinansa ng Kyusi na minsa’y inireklamo sa Korte Suprema kaya pansamantalang itinigil ang pagpapatupad ng disciplinary hour.

Totoo, minsan ay ‘binaril’ ang ordinansa dahil hindi daw ito makatao pero, nagpalabas ng ruling ang korte na walang nakitang masama sa nilalaman ng ordinansa kaya, ngayon ay estrikto nang iniimplementa ng QCPD.

‘Ika nga ni Eleazar… that under the ordinance, all minors are prohibited to roam around, loiter, wander, stay or meander in all public places during disciplinary hours whether singly or in groups without lawful or justifiable reason. It is also unlawful for a parent or guardian of a minor to knowingly permit or by insufficient control allow the minor to remain in any public place within the territorial jurisdiction of Quezon City during discipline hours.

E paano naman iyong mga minor na makukulit at binabalewala ang ordinansa — iyong laging nahuhuli? Heto ang para sa inyo at inyong mga magulang:

1st offense, a minor found violating the ordinance will be referred to the nearest barangay hall or police station and undergo counselling before the minor will be turned over to his/her parents or guardians. A penalty of 48 hours Community Service or a fine of P2,000 shall be imposed to the parent or guardian of the minor.

For the 2nd offense, the parent or guardian of the minor shall be required to render 72 hours of Community Service or a fine of P3,000 while for the 3rd offense, the parent or guardian of the minor shall be fined with P5,000 or imprisonment of six months.

Habitual violators shall be turned over to the Social Services Development Department (SSDD) for counselling and be subject to intervention program. In case where the residence of a minor who violates the ordinance is that of another city or town, the provisions under the first offense shall be observed in coordination with the barangay where the residence of the minor is in question.”

Ngayon mga magulang, gets na ninyo ang penalty? Mabigat din ang kaparusahan lalo na ang multang mula P2,000 hanggang P5,000. Kaya ‘wag balewalain ang ordinansa. Para sa inyong mga anak din ang ordinansa. Huwag na ninyong hintayin pang mapagkamalang sila ay magaya sa mga nanlaban (daw).

“The ordinance which the Supreme Court recently upheld is again strictly implemented by QCPD which further aims to protect and safeguard minors in QC.

“Mahigpit po nating ipinatutupad ang naturang ordinansa sa buong Lungsod Quezon matapos maglabas ang Korte Suprema ng desisyon na constitutional at compliant ito, na ang mga ka-akibat na parusa o interventions ay naaayon sa batas. Matatandaan na kinuwestiyon ng ilang grupo partikular ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang implementasyon ng nasabing ordinansa dahilan para pansamantalang itigil ang pagpapatupad nito,” pahayag ni Eleazar.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *