Monday , December 23 2024

Ebidensiya sa DAP isinumite sa DOJ

NANAWAGAN ang grupo ni dating Manila Councilor Greco Belgica sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang maanomalyang proyekto na pinondohan sa ilalim ng Development Acceleration Program (DAP).

Nagsumite ng mga ebidensiya si Belgica na nagamit sa nakaraang administrasyon ang ilang programa na pinondohan ng DAP na nauna nang naideklarang ilegal at unconstitutional ng Korte Suprema.

Pinaiimbestigahan din ng grupo sa DOJ si Senator Antonio Trillanes IV sa katulad na kaso.

Ang DAP ay pinaniniwalaang ginamit na panuhol ng administrasyon ni dating Pang. Noynoy Aquino sa mga mambabatas kapalit ng pagboto para mapatalsik si yumaong Supreme Court (SC) chief justice Renato Corona sa puwesto noong 2012. Matatandaang inamin ni dating senador Jinggoy Estrada, anak ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap Buang” Estrada, na siya at ang mga kasamahang mambabatas na bumoto para mapatalsik ang yumaong chief justice ay sinuhulan ng Malacañang kapalit ng P50 milyong pork barrel.

Pero umamin na lang si Jinggoy sa malaking kahudasan at ipinagtapat na ipinagbili ang kanyang boto laban kay CJ Corona nang siya ay naipit na sa nakamal na pork barrel at nakatakda nang sampahan ng kasong plunder o pandarambong sa salapi ng taongbayan.

(Aanhin pa nga naman ang damo kung patay na ang kabayo?)

Bilang gantimpala, P50 milyon ang napabalitang isinuhol sa mga senador na bumoto sa impeachment ni dating CJ Corona, ayon mismo kay Jinggoy.

Batay sa 2014 Commission on Audit (COA) report, P229.6 milyon ang halagang napunta at pinaghatian ng 46 mga dati at kasalukuyang mambabatas na tumaggap ng Development Assistance Program (DAP) na nakalaan sa proyektong milk feeding program, ilang araw matapos ma-impeached si dating CJ Corona ng Kamara noong December 2011.

Sa nasabing COA report, ang Department of Budget and Management (DBM) ay nagpalabas ng special allotment order at notice of cash allocations sa mga mambabatas na may petsang Dec. 22, 2011, o 10-araw pagkatapos ma-impeached si dating CJ Corona sa Kamara.

Sabi ng COA, “the project may not have fully contributed in the attainment of the DAP objective of accelerating government spending” because “from the time the funds of P167.44 million or 72.9 percent were released in September 2012, only 87 percent or P145.694 million was obligated, and out of which a total of P87.002 million or 59.7 percent was disbursed for 33 projects.”

Inirekomenda ng COA ang pagsasauli sa mga naturang pondo sa Bureau of Treasury pagkatapos maideklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas noong July 2014.

Tiyak na papalakpak ang publiko kung ang layon ni SOJ Aguirre sa panibagong imbestigasyon ay mapanagot sa kasalanan ang lahat ng may kagagawan at kakutsaba ng Malacañang laban kay yumaong CJ Corona.

Si dating CJ Corona ay biktima ng mga mali at pinagtagni-tagning paratang na nag-ugat sa desisyon ng SC pabor sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita na pag-aari ng angkan ni PNoy.

Aywan lang natin kung makapagyayabang pa si Ombudswoman Conchita “Motu Proprio” Carpio Morales na isa sa mga tumestigo pa para idiin sa mga ‘fabricated’ o kathang-isip na paratang ang dating Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Harinawa ay maiwasto ang isang malaking pagkakamali na kagagawan ng mga walanghiyang nagsabwatan sa pamahalaan laban kay dating CJ Corona.

Tanging ang katotohanan lamang ang magpapalaya sa mga walang kamalay-malay na publikong naisakay sa tsubibo ni PNoy at ng mapaghiganti niyang angkan.

“LAPID FIRE” PROGRAM
SA RADIO DZRJ-810 KHZ

LAGING subaybayan ang maiinit na talakayan sa mga napapanahong isyu sa programang “Lapid Fire” sa Radio DZRJ (810 Khz/AM), 10:30 pm – 12:00 mn, Lunes hanggang Biyernes.

Anomang sumbong, puna at reaksiyon itawag sa Landline Nos. 412-0288 at sa Textline Nos. 0917-678-8910.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *