Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBI iimbestigahan ang mga lumalabag sa Tariff & Customs Code

INUTUSAN ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si NBI Director Atty. Dante Gierran na pangunahan ang investigation at case build up sa mga lumalabag sa Tariff and Customs Code na umiiral sa Filipinas.

Ayon sa 544 Department Order, lahat ng lumalabag na mga broker at mga empleyado ng customs kaugnay sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno at mga illegal na kargamento ay makakasuhan.

Si Aguirre at Gierran ay laban sa lahat ng katiwalian at kriminalidad lalo ang ilegal na droga.

Sila ang mga tao ni Pangulong Duterte na walang bahid ng corruption at the best sila sa panunungkulan.

God bless po sa inyong tatlo.

***

Pinasasampahan ng kaso ni Rep. Ace Barbers, House Committee on Dangerous Drugs chair, ang NBI-AOCTD dahil hindi nag-turnover ng P6.4 bilyong ilegal na droga.

Sa totoo lang, sa regulasyon ng NBI, puwedeng dalhin for forensic examination at hindi naman nila binawasan ang droga.

Masakit nito they are doing everything for the government tapos sila pa ang pinakakasuhan sa dami ng accomplishments ng NBI laban sa ilegal na droga.

Unfair naman yata ‘yan!

***

Sa nangyaring sigalot sa pagitan ng Customs at mga politiko, sana ay maayos na sa ilalim ng bagong BOC Commissioner na si Gen. Isidro Lapeña.

Malaki ang tiwala ng ating Pangulo sa bagong Commissioner na tubong Pangasinan.

Maganda ang background career ng butihing General Sid Lapeña at isa siyang opisyal na may paninindigan.

Ang aking kababayan sa Pangasinan lalo si Governor Espino ay lubos na binabati si Gen. Lapeña sa pagkakatalaga sa kanya bilang PDEA Director General.

Siya ay may mahusay na track record bilang uniformed service man na sumasalamin sa tiwala sa kanyang pamumuno at kakayahan upang magawa ang napakalaking task na puksain ang ilegal na droga.

Isang taong may integridad.

Dapat suportahan ng mga empleyado ng Aduwana si Commissioner Lapena sa mga bagong programa na kanyang ipapatupad sa BoC.

At siyempre nariyan, ang magagaling na deputy commissioners na handang sumuporta at iba pang opisyales.

Good luck Commissioner Lapeña.

May God will guide you in your new mission!

Mabuhay po kayo!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …