BUENOS AIRES, Argentina – Binaril at napatay ng Argentine police ang isang kalapati na hinihinalang naghahatid ng droga sa mga preso sa kulungan, ayon sa ulat ng mga awtoridad.
Ang nasabing kalapati ay namataan habang lumilipad patungo sa loob ng piitan sa Sta. Rosa, central Argentina, ayon sa source sa Federal Penitentiary Service.
Pinaputukan ng mga awtoridad ang ibon at pagkaraan ay natuklasan sa maliit na backpack sa likod nito ang pills at marijuana.
Magugunitang nitong 2013, iniulat ng prison service na ginagamit ng drug traffickers ang trained pigeons, na ayon sa mga awtoridad ay nakapaghahatid ng droga nang 15 beses kada araw.
Noong araw na iyon, isinabay ng drug traffickers ang pagpapalipad ng ibon sa pagpapakawala sa grupo ng mga kalapati bilang bahagi ng local pigeon-fanciers event.
(Agence France Presse)