Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Myrtle, ‘di iiwan ang Kapamilya

TINANONG namin si Myrtle Sarrosa kung totoo ‘yung nabalitaan namin na nagbalak siyang lumipat sa GMA 7 nang mapansin niyang walang nangyayari sa career niya sa ABS-CBN 2.

“Actually, may inquiries kami for other networks but we decided pa to stay pa ngayon sa ABS-CBN. Kasi right after, right even before I graduated, ang dami nilang ibinibigay na projects sa akin. Tapos never naman silang nagkulang sa akin ang ABS,” paliwanag ni Myrtle sa renewal ng contract niya sa Sisters Sanitay Napkin.

So ayun, malinaw na hindi iiwan ni Myrtle ang Kapamilya Network lalo pa ngayon na binigyan siya nito ng serye. Kasama siya sa La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kahtryn Bernardo.

Samantala, natanong din namin si Myrtle tungkol sa kanyang lovelife. Ayon sa kanya, wala siyang boyfriend ngayon, pero may suitor siya.

“’Yung manliligaw ko po ngayon hndi po siya taga-showbiz. He’s a cosplayer sa ibang bansa. American citizen po siya.”

Matagal nang kilala ni Myrtle ang manliligaw niya.

“Six years ago pa. Tapos hindi kami nagkita for the longest time. Tapos noong nagkita na kami ulit, doon na siya nanligaw sa akin.”

(ROMMEL PLACENTE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ai Ai delas Alas Gerald Sibayan

Ai Ai delas Alas single na uli 

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL nang diborsyada si Ai Ai de las Alas sa asawang si Gerald Sibayan ayon sa …

Gil Cuerva

Gil Cuerva nagsalita na: video paglabag sa kanyang privacy

RATED Rni Rommel Gonzales SIMPLE, diretso, at walang paligoy-ligoy ang official statement ni Gil Cuerva tungkol sa …

Kim Molina Jerald Napoles

KimJe balik trabaho na

RATED Rni Rommel Gonzales ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa mga video …

Derrick Monasterio Elle Villanueva Boy Abunda

Derrick tinalikuran pagiging babaero 

RATED Rni Rommel Gonzales KAPURI-PURI  si Derrick Monasterio sa pagiging matapat nito. Sa recent guesting kasi nila ng …

Caprice Cayetano Heath Jornales

Caprice napogian, kinilig kay Andres

MATABILni John Fontanilla MUKHANG hindi type ni PBB Collab 2.0 Big Winner Caprice Cayetano ang ipinapareha sa kanya ng …