Monday , January 6 2025

Hinahabol ng ahas kapag malapit nang abutan biglang lumilipad

To Señor,

Tatanung ko lng po kc mdalas ako managinip nung bata pa po ako na hinahabol daw ako ng npakalaking ahas, pro bkit po hnggng ngyn kahit ang age ko ay 30 na mdalas ko pa rin un napapanaginipan taz minsan nga po pg mlapit nya na ko makagat bigla ako lumilipad! Sna po maipaliwanag nyo drem ko! Ader po name ko. Ty po

(09398052924)

To Ader,

Ang iyong panaginip na may humahabol sa iyo ay maaaring isa sa paraan sa pagharap sa takot, stress, at iba pang sitwasyon na naka-eenkuwentro mo kapag ikaw ay nasa estadong gising. Sa halip, harapin ang sitwasyon ay tinatakasan mo at iniiwasan ito. Dapat mong piliting malaman kung ano ang rason na may humabahol sa iyo dahil posible kang makakuha ng clue ukol sa pinanggagalingan ng nararamdamang takot at pressure. O kaya naman, bakit ka hinahabol, sa kaso mo, ng isang malaking ahas.

Maaari rin na nagsasaad ito na karaniwang hinahabol ang nanaginip ng tao, hayop, mga kakaiba at nakatatakot na nilalang.

Sinasabing nagsisilbing wake up call ang ganitong panaginip. Maaari kasing ikaw ay may isang bagay na hindi mo maamin sa iyong sarili. Ang mga elementong humahabol sa iyo gaya ng tao o hayop ay siyang nagre-represent ng mga bagay na hindi mo matanggap.

At ang mga negatibong enerhiya at masasamang nilalang naman ay sumasalamin sa mga bagay o aral na dapat mong matutuhan.

Hinggil sa bungang-tulog mo sa ahas, ito ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, ngunit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay.

Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay maaaring nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment.

Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan.

Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes.

Ang panaginip na ikaw ay lumilipad ay may kaugnayan sa sense of freedom na noong una ay inakala mong wala kang kalayaaan o kaya naman ay limitado lamang. Dapat pahalagahan at ingatan ang magagandang kapalaran na dumarating sa iyo, upang hindi makalagpas ang grasya at huwag masayang ang oportunidad na abot-kamay mo na.

Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga, upang ang inaasam mong tagumpay ay makamit at magkaroon ng katuparan. Maaari rin namang sa kaso mo, ito ay isang sagisag ng kagustuhang makatakas sa mga bagay na kinatatakutan o mga bagay o taong gustong iwasan. Ngunit mas makabubuting sa halip na iwasan ay harapin ang mga ganitong sitwasyon o suliranin upang ito ay matuldukan. Señor H.

PANAGINIP MO,
INTERPRET KO
ni Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *