Throughout history, it has been the inaction of those who could have acted; the indifference of those who should have known better; the silence of the voice of justice when it mattered most; that has made it possible for evil to triumph.
— Haile Selassie
PASAKALYE:
Wika ni dating Manila Mayor ALFREDO LIM, “the law applies to all, otherwise none at all,” bagay na dapat panghawakan ng lahat — mula sa pinakamataas na opis-yal ng pamahalaan hanggang sa pinakamaliit na indibiduwal sa ating lipunan.
Dangan nga lang ay mahirap sundin ang batas, lalo kung inapi o kaya’y inabuso ng tao o grupong makapangyarihan at may impluwensiya. Idagdag pa rito ang kabagalan ng pag-ikot ng gulong ng kataru-ngan sa ating bansa. MAS makasasama ang polisiya na pagpataw ng parusa sa mga taong magpapakalat ng pekeng balita dahil maaaring maging dahilan ito para masakal ang kalayaan ng pamamahayag, babala ni University of the Philippines (UP) mass communications professor Danilo Arao sa Tapatan sa Aristocrat media forum sa Malate, Maynila.
Ayon kay Arao, mas makabubuti kung magkakaroon ng self-regulation o pansa-riling pagbabantay ang mga media outlet at entity para maresolba ang usapin ng pagkalat ng mga maling balita na nagda-dala sa publiko sa hindi magandang pana-naw sa mga kaganapan sa paligid.
Punto ng propesor: “It is incumbent on government to establish an atmosphere that would propagate the essence of freedom of information.”
Batay sa panukalang batas na inihain ni Senador Joel Villanueva sa ilalim ng Senate Bill 1492, papatawan ng parusa yaong mga tao o grupong magpapakalat ng ‘fake news’ at layunin nitong pagtuunan ng batas yaong mga nanunungkulan sa gobyerno na magkakasala rito.
“The bill defines false news as information which ‘intend to cause panic, division, chaos, violence, and hate, or those which exhibit a propaganda to blacken or discre-dit one’s reputation’,” paglilinaw ni Arao. Sa panukala ni Villanueva, ang mga lalabag sa panukalang batas ay mahaharap sa multang aabot sa P5 milyon at pagkabilanggong hanggang 5 taon.
“This is tantamount to a fine of up to P10 million and imprisonment of up to 10 years.
If the offender is a public official, he or she will be made to pay twice the said amount of fine, and twice the period of imprisonment; and absolute disqualification from holding any public office,” ani Arao.
“Those found to have aided or encouraged the spread of fake news will be fined up to P3 million, and imprisoned for up to three years. Any media platform who fails to regulate and remove fake news will be punished with a fine of up to P20 million and a 10-year jail time,” dagdag ng propesor.
***
PARA sa inyong komento o suhesti-yon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL – Tracy Cabrera