WALA pang nagagawang indie film si Kathryn Bernardo kaya naman tinanong siya kung gaya ng ibang artista ay open din ba siya na sumubok sa indie?
Sagot ni Kathryn, ”Pinag-usapan lang namin ‘yan recently ni Daniel (Padilla) at ni Khalil (Ramos). Kasi alam nating parati siyang napapasama sa mga Cinema One Originals, ganyan. So nai-inspire ako actually kay Khalil kapag nagtatanong ako sa kanya kung ano ‘yung feeling, kung paano gumawa ng indie.
“So, if ‘pag nagka-time siguro or pagkatapos nitong ‘La Luna Sangre’, open kaming dalawa ni Daniel kung maganda ‘yung materyal na ibibigay for indie.”
BEMBOL AT CHRISTIAN,
PALARIN DIN KAYA SA 33rd
PMPC STAR AWARDS
FOR MOVIES?
MAY mga sitsit noon na malaki ang tsansa ni Aljur Abrenica na tanghaling Best Actor sa Luna Awards ng Film Academy of the Philippines dahil mahusay talaga ang performance na ipinakita niya sa pelikulang Hermano Pule. Pero hindi naman pala ‘yun nangyari, mali ang haka-haka.
Sa katatapos na Luna Awards na ginanap sa Resorts World, Manila noong Sabado ay si Bembol Roco ang nag-uwi ng Best Actor trophy para sa pelikulang Pauwi Na. Si Christian Bables, na itinanghal na Best Supporting Actor Urian para sa pelikulang Die Beautiful ang siya ring nanalo sa Luna Awards. Sa darating na 33rd PMPC Star Awards For Movies na gaganapin din sa Resorts World sa September 3, ay nominado rin si Roco for Movie Actor of the Year para rin sa Pauwi Na at si Christian ay nominado rin for Movie Supporting Actor of the Year para rin sa Die Beautiful. Ma-duplicate kaya ng dalawa ang pagkapanalo nila or this time ay hindi sila ang palaring manalo? ‘Yan ang ating aabangan.
MA at PA – Rommel Placente