Friday , November 15 2024

Drug ring na graders ang gamit nabuwag bunga ng QCPD coordination sa schools

DESPERADO na talaga ang mga sindikato ng ilegal na droga na kumikilos sa Quezon City, kaya lahat ng paraan ng pagtutulak o pagbebenta ay kanilang ginagawa.

Nandyan iyong ginagamit ang hotel o apartelle sa kanilang negosyo. Modus nila’y umarkila ng kuwarto para roon gagawin ang transaksiyon o pagpapagamit ng droga “drug den.”

Pero ang mga paraang ito ng sindikato ay hindi nakalulusot sa mahigpit na kampanya laban sa ilegal na droga ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar bilang District Director.

Meaning, sunog na ang bulok na estilo ng mga sindikato makaraang mabuko at nagresulta sa pagkaaresto ng mga tulak at gumagamit sa isinagawang magkahihiwalay na operasyon ng QCPD.

Dahil nga sa sunog na ang modus, mga estudyante naman ang ginagamit ng mga sindikato. Estudyanteng menor de edad ang kanilang ginagamit. Palibhasa’y batid ng mga sindikato na hindi puwedeng kasuhan ang mga minor sakaling mahuli. Masasabing matagal nang estilo ang paggamit ng minor ngunit, kakaiba itong nangyari naman sa Quezon City. Batang estudyante na ang gamit ng mga sindikato.

Oo, grade 6 pupil na ang kanilang ginamit sa pagdedeliber ng kanilang droga. Kaya sa mga magulang diyan, bantayan ang inyong mga anak. Malamang na sinisilaw sila sa kaunting halaga ng salapi para patulan ng inyong mga anak.

Oo alam kasi ng mga sindiakto na madaling mauto ang mga bata sa kaunting halaga ng pera.

Pero, uli ang sindikato ay hindi nakalusot sa QCPD – ang kanilang paggamit sa grade 6 pupil sa isang eskuwelahan na pinatatakbo ng gob-yerno.

Oo hindi umubra ang modus ng sindikato na lumilinya sa pagkakalat ng pinatuyong dahon ng marijuana ‘damo’ nang mabuwag ang grupo sa operasyon ng Masambong Police Station 2 sa pamumuno ni Supt. Igmedio Bernaldez. Sa drug operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 2, nadakip ang tatlo katao na nasa likod ng paggamit ng grade 6 pupil sa pagbebenta ng ‘damo’ sa loob ng paaralan at sa labas.

Paano nabuko ang grade 6 pupil sa pagbebenta ng damo? Ito ay sa tulong ng kanyang adviser.

Dahil sa kaduda-dudang ikinikilos ng bata sa loob ng kanilang classroom, minabuti ng kanyang guro na inspeksiyonin ang kanyang bag.

Nakiusap ang bata sa kanyang guro na kung maaari sa labas na ng silid-aralan gawin ni titser ang pagkalkal sa bag ng estudyante. Pinagbig-yan naman ni titser ang bata.

Kaya, pagkabukas sa bag ay tumambad kay ma’am ang sachet-sachet na pinatuyong ‘damo.’ Agad dinala ni titser ang bata sa guidance office at kinompronta ang bata bago itinawag sa opisina ni Bernaldez. Sa imbestigasyon, ikinanta ng menor de edad ang tatlo katao, isa rito ay babae, na nagpapabenta sa kanya ng ‘damo.’

Bukod dito, ikinuwento rin ng bata na maging siya at ilang estudyante ng paaralan ay guma-gamit ng ‘damo’ sa bisinidad ng iskul.

Sa ikinasang buy bust operation, nadakip sina Ralph Norman Peñaflor, John Ross Ong, at Eunice Zhiska Zeta, pawang residente ng Quezon City.

Desperado ang mga sindikato – lahat nang paraan ay kanilang ginagawa pero, mabuti na lamang at lingguhang nakikipagdayalogo si Gen. Eleazar sa mga barangay at paaralan hinggil sa kampanya ni Pangulong Digong laban sa droga.

Oo simula nang paigtingin ng QCPD ang kampanya laban sa droga, si Eleazar ay nagpupunta sa mga barangay at eskuwelahan para magbi-gay babala – “short talks” kaugnay sa kampanya. Pinakiusapan ng heneral ang mga namumuno sa iskul na agad ipagbigay-alam sa QCPD kung sakaling pinasok ng sindikato ang paaralan at gagamitin ang mga bata sa ‘negosyo’ tulad ng nangyari sa grade 6 pupil.

Kung baga, ang pagkakahuli sa tatlo ay bu-nga nang walang humpay na pag-ikot at laging pagpapaalala ni Eleazar sa mga estudyante, at teachers na ang kampanya laban sa droga ay hindi magtatagumpay kung hindi tutulungan ng mamamayan ang pulisya.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *