Friday , November 15 2024

Sen. Ping Lacson: “ALL RIGHT, SIR?”

KAY Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson bumalandra ang kanyang ‘expose’ sa Senado ng ‘tara system’ sa Bureau of Customs (BOC).

Sa isang press conference noong Huwebes ay bumuwelta si outgoing Commissioner Nicanor Faeldon at ibinulgar ang anak ng senador na si Panfilo “Pampi” Lacson, Jr., sa technical smuggling ng imported cement sa bansa.

Base sa official documents na inilabas ni Faeldon, si Pampi at ang kompanyang Bonjourno Trading ay iniimbestigahan pala sa undervaluation ng barko-barkong imported cement na inalerto ng Customs.

Si Pampi ay executive director ng Bonjourno Trading, isang kompanya na P20,000 lamang ang rehistradong paid-up capital noong 2015.

Ang kaduda-duda at hindi kapani-paniwala ay paano nakapagnenegosyo sa multi-bilyong pisong importasyon ng barko-barkong semento ang isang kompanya na P20,000 lamang puhunan?

Ang Bonjourno Trading ay No.1 sa listahan ng ilang kompanya na inireklamo ng Cement Manufacturers Association of the Philippines (CeMAP) sa Customs.

Sa isang liham noong Aug. 4, 2016, pinaiimbestigahan ng CeMAP ang Bonjourno Trading sa umano’y undervaluing ng freight rates.

Base na rin sa official documents ng Customs, natuklasang iniisahan ni Pampi at ng kanyang kompanya ang pamahalaan sa hindi pagbabayad ng karampatang buwis.

Imbes $16 hanggang $18, sa mababang $8 lamang idinedeklara ni Pampi at ng kanyang kompanya ang presyo ng palusot sa kada supot o sako ng semento.

Ibinababa ni Pampi at ng kanyang kompanya sa kalahati ang freight cost para palusutan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa value added tax (VAT).

Ang anomang uri ng pandurugas sa buwis na dapat bayaran sa pamahalaan ay pagnanakaw at papatak sa kasong economic sabotage na walang piyansa.

Mas mabigat ang mga ebidensiyang hawak ni Faeldon at ibinulgar laban sa mag-ama dahil dokumentado, kompara sa hearsay na expose ni Lacson sa listahan ng mga opisyal na pinangalanan niyang tumatanggap ng ‘Tara’ sa Customs.

Lumalabas na ‘taktikang pusit’ (Squid tactic) lang ang expose ni Sen. Lacson na ang motibo ay takpan ang nakatakdang paglabas ng expose laban sa kanya at anak na si Pampi.

‘Yan ba ang dahilan kaya umuusok sa galit si Sen. Lacson at pati ang pagtatalaga ni Pang. Digong kay Faeldon sa ibang puwesto ay pinakikialaman?

Halata kasing nagkabuhol-buhol si Sen. Lacson sa pagsagot sa mga tanong sa kanya ng media habang sinasalag ang mga dokumentadong pasabog ni Faeldon.

At bakit maraming opisyal at players sa Customs na binanggit ang pangalan sa imbestigasyon ng Kamara ang hindi napasama sa umano’y expose ni Sen. Lacson?

Sana ay maalaala ni Sen. Lacson ang kanyang hamon kay dating AFP chief of staff Angelo Reyes sa imbestigasyon ng Senado noong 2010 na inakusahang tumanggap ng pasalubong at pabaon mula sa jueteng industry.

Matatandaang ginamit ni Sen. Lacson sa yumaong heneral ang omerta (honor code) na ang mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ay hindi nagsisinungaling, nadaraya at nagnanakaw. Si Reyes ay nagpakamatay noong 2011.

Ginamit rin ni Sen. Lacson sa kanyang sermon ang omerta sa PMA Alumni Homecoming noong 2014.

Kaya sana, sa susunod na pagharap ni Sen. Lacson sa salamin, ay subukin naman niyang kausapin ang sarili at maalala ang hamon sa dating heneral na nagpatiwakal noong 2011.

All right, Sir???

 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

 

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *