Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manliligaw ni Maja Salvador, hay-iskul pa kakilala at kaibigan

SA guesting ni Maja Salvador sa Tonight With Boy Abunda noong Martes ng gabi, tinanong siya ng host nito na si Boy Abunda tungkol sa umano’y bago niyang karelasyon na hindi binanggit ang pangalan. Ang matipid na sagot ni Maja, “I’m dating po.”

Hindi naman masabi ni Maja kung nasa isang relasyon na siya dahil, aniya, “Parang maaga pa para sabihin.”

Sinagot din ni Maja ang bali-balitang hindi siya tanggap ng pamilya ng idini-date niya.

“Hindi po totoo, and ‘yung family, sobrang love ako niyong family. Siguro kasi matagal na po kaming magkaibigan, so parang ever since, part na rin po ako niyong family. Since high school pa po, eh.”

CARLO, MULING
NARAMDAMAN
ANG HUSAY
SA BAR BOYS

NAPANOOD namin ang pelikulang Bar Boys, isa sa entries sa katatapos lang na Pista ng Pelikulang Pilipino na bida sina Carlo Aquino, Enzo Pineda, at Rocco Nacino.

In fairness, nagustuhan namin ang pelikula. Tungkol ito sa tatlong magkakaibigan na sina Carlo, Enzo, at Rocco na kumukuha ng kursong abogasya.

Sa kanilang tatlo ay si Carlo ang pinakamahina. Muntik na nga siyang hindi gumradweyt dahil babagsak sana siya sa isang subject na ang professor ay si Odette Khan. Mabuti na lang at gumawa ng paraan sina Enzo at Rocco na kinausap/pinakiusapan si Odette na ipasa na lang dahil maraming pinagdaraanan ang kaibigan sa buhay, isa na ang pagkamatay ng ama.

As usual, pinahanga na naman kami ni Carlo sa kanyang pagganap. Simple lang ang akting na ipinamalas niya sa pelikula, pero talagang naramdaman namin ang husay niya.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …