MARAMING opisyal ng mga pamahalaang lokal ang madalas mabiktima ng mediamen na wala namang media entity, ang tawag sa kanila ay ‘hao Shiao.’
Sila ‘yung mga nagpapakilalang mediamen na ang balitang isinusulat ay ipamimigay sa mga kakilalang kolumnista para batikusin ang isang opisyal na lingid naman sa kaalaman ng kolumnista ay ‘gumagawa’ ng pera ang taong nagbigay sa kanyang artikulo para batikusin ang isang opisyal.
****
Sa panig ng kolumnistang ito, upang huwag magamit, dapat ay may sapat na dokumento ang pagbatikos, sana ay huwag pagamit sa mga taong umaastang mediamen. Dahil ang epekto nito ay kawawa ang pamilya ng mga binabatikos lalo kung ang nasa likod ng batikos ay ‘pera’ pala ang kailangan kapalit ng batikos, in short ‘areglo’ pala ang gusto!
****
Gaya nang nangyari sa Tesorero ng lungsod ng Parañaque. Ayon sa kanya nabiktima siya ng akala niya ay kaibigan niya. Akusasyon ni Tesorero, kaibigan na niya ang nagpakilalang mediamen, nagtiwala siya. Minsan umano ay lumapit sa kanya at nasunugan umano, hindi nagdalawang salita kay Tesorero kaya binigyan nang malaking halaga para magkaroon ng uupahang bahay. Hinimok pa umano siya ng tao na magtayo ng isang weekly newspaper, ngunit gumastos na siya sa launching ng diyaryo, pero isang isyu lang ang diyaryo, wala nang kasu-nod!
****
Ngayon, tinatakot umano si Tesorero na irereklamo sa Ombudsman kaugnay ng katiwalian dahil kamakailan ay nangyari ang isang ‘entrapment’ laban sa mediamen na wala umanong ginawa sa Tesorero kundi mangikil! Minsan umano ay ginamit ng nasabing tao ang organisasyon para manghingi ng pera o tulong.
****
Naasar si Tesorero, kaya isang entrapment ang isinagawa, ngunit nabalewala ang kasong extortion na isasampa dahil kulang daw sa ebidensiya si Tesorero!
****
Ang taong tinutukoy natin, kaya hindi natin binabanggit ang pangalan ay naging kaibigan ko, marami na akong reklamong narinig sa kanya. Sana ay may mga nagrereklamo na pumunta nang personal sa akin para tuluyan ko nang banggitin sa kolum na ito ang kanyang pangalan! Upang kapani-paniwala ang akusasyon laban sa kanya!
****
Kung hubad sa katotohanan ang akusas-yon laban sa taong binabatikos, hindi masama na ibulgar na ang pangalan ng ‘source’ dahil nagamit ang kolumnista, kaysa naman nagsa-suffer ang pamilya ng binatikos na hubad sa katotohanan. Kapag hindi sinabi ng kolumnista ang kanyang source, parang totoo na kasabwa’t siya ni mediamen na nagha-harass kay Tesuoero! Hindi kailangan pagtakpan ang ‘source’ kung kasinungalingan ang impormas-yon? Bakit mag-isa kang magdurusa sa libelong isinampa sa iyo?
****
Para kay Tesorero ng Parañaque City, kung wala namang ginagawang masama bakit matatakot? labanan ang dapat labanan, upang lumabas ang katotohanan!
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata