Monday , December 23 2024
ISA-ISANG sinagot ni Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa press conference, ang sunodsunod na batikos makaraan ang imbestigasyon ng Senado at Kamara kaugnay sa isyu ng nakalusot na shipment ng P6.4 bilyon halaga ng shabu at nakompiska sa isang warehouse sa Valenzuela City. (BONG SON)

May drugs money ba sa “demolition job” laban kay Faeldon?

PINABILIB na naman tayo ni beloved Pres. Rodrigo “Digong” Duterte na mas pinili ang manindigan sa katapatan ni Commissioner Nicanor Faeldon bilang hepe ng Bureau of Customs (BOC).

Sa kanyang talumpati kahapon sa Ozamiz City, muling idiniin ni Pres. Digong na nananatiling buo ang kanyang tiwala kay Faeldon at tinawag na honest man.

Tama si Pres. Digong, nalusutan si Faeldon dahil wala namang namuno sa Customs na hindi napalusutan.

Ang hindi alam ng mga nagpipilit magdiin at magpasibak kay Faeldon sa isyu ng P6.4-B shabu shipment, tatlong beses na palang tinanggihan ng pangulo ang kusang pagbibitiw nito sa Customs.

Ibig sabihin, si Faeldon ay isang tao na may delicadeza at hindi kapit-tuko sa puwesto.

Kaya napahiya ang mga nasa likod ng demolition job laban kay Faeldon na posibleng pinondohan ng mga may kinalaman sa mahigit 600 kilo ng shabu na ipinuslit sa Customs at nasabat sa Valenzuela City noong Mayo.

Maliwanag na may sariling disposisyon si Pres. Digong na hindi basta magagawang paikutin at impluwensiyahan ng mga gagong politiko na gustong ipagpatuloy ang tiwaling kultura ng “Padrino System” sa Customs.

Pati ang nananahimik na anak ng pangulo na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay kinaladkad ang pangalan sa demolition job laban kay Faeldon kahit wala namang basehan.

Akala ng mga desperadong hindoropot, kapag idinawit nila ang sinomang miyembro ng pamilya ni Pres. Duterte ay mapupuwersa na nila ang pangulo na bitiwan si Faeldon.

Sino ang maniniwala na manghihingi ng ‘tara’ sa smuggling ang anak ng pangulo?

Hindi na nila naisip na mas kapani-paniwala na kung gustong kumita ng anak ng pangulo ay bakit pa aasa sa barya-barya lang, gayong puwede naman na siya na mismo ang pumasok sa smuggling.

Mas kapani-paniwala na ang mga nasa likod ng demolition job laban kay Faeldon ay pinopondohan ng salaping galing sa ilegal na droga para ilihis ang isyu palayo sa mga sangkot sa P6.4-B shipment ng shabu.

Kapansin-pansin na imbes idiin ang mga nasa likod na may kinalaman sa P6.4-B shabu shipment, si Faeldon ang pilit pinagtutulungang kuyugin.

Ang masama, ginagawang biktima sa media ang nagpalusot ng ilegal na droga, habang gustong pasamain ang napalusutan.

Sino ang makapagsasabi na hindi pinopondohan ng mga sangkot sa shipment ng P6.4-B shabu ang demolition job laban kay Faeldon na pinalagan ang Padrino System ng mga politikong mambabatas sa Customs?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *