Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Dingdong Dantes
Coco Martin Dingdong Dantes

Coco, tinambakan agad sa ratings si Dingdong

KAKAERE palang ng 2nd season noong Lunes ng Alyas Robinhood ni Dingdong Dantes, pinakain na kaagad ng alikabok ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil tinambakan sa ratings game na 39.8% vs 18.9%.

Hindi pa rin nakabawi si Robinhood ng Martes sa rating na nakuha nilang 16.9% na mas bumaba pa kompara sa FPJ’s Ang Probinsyano na mas tumaas pa, 40.4%.

Kung ganito kalaki ang lamang ng programa ni Coco Martin sa Kantar Media, nakatitiyak kaming talo rin ang Robinhood kung ang AGB Nielsen pa rin ang pinagkukunan ng GMA 7.

Hindi na siguro kailangang i-memorize kung bakit mas maraming nanonood sa Ang Probinsyano ni Coco dahil unang-una, hindi ito nawala sa ere at magda-dalawang taon na ngayong Setyembre at simula noong umere ito ay hindi man lang bumaba sa 20% plus ang ratings.

Para kasing komiks na walang wakasan ang kuwento ng AP dahil aabangan mo talaga ang mga susunod na mangyayari lalo na ngayong nakita ng mga kasamahang SAF ni Cardo na kasapi siya sa mga rebelde ng Pulang Araw na tumakas noong magka-engkuwentro sila sa palengke.

Kaagad nakarating kay Lolo Delfin (Jaime Fabregas) na kasama si Cardo ng mga rebelde at naniniwala naman din ang opisyal ng mga sundalo na nagmamanman ang apo sa mga taga-Pulang Araw.

Ang pagkakamali lang ni lolo Delfin ay sinabi niya ito kina Heneral Luna este Director Hipolito (John Arcilla) na may koneksiyon sa mga Pulang Araw kasama rin ang assistant niyang si Major Catindig (Sid Lucero) at may masamang balak kay General Oligario (Angel Aquino).

Bitin ang episode noong Martes dahil ipinarating na yata ni Hipolito sa Pulang Araw sa lider na si Sen Lito Lapid.

Isa pang inaabangan ay ang kuwento naman ng pasugalang hindi mahinto-hinto sa lugar nina Ms Susan Roces, Yassi Pressman at iba pa dahil may sumusuporta, ang Kapitana ng Barangay na si Mitch Valdez.

Kaya paano mo bibitawan ang napakaraming kuwento na dapat subaybayan sa FPJ’s Ang Probinsyano?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …