Friday , November 15 2024

Barangay election tuloy pa rin

KUNG pagbabasehan ang batas, tuloy ang barangay election sa darating na Oktubre. Isang panukalang batas pa lamang ang pagpapaliban ng eleksiyon sa barangay na pumasa sa committee level ng Kamara nitong nakaraang Lunes.

Ibig sabihin, mahabang proseso pa ang dadaanan ng panukulang postponement ng barangay election na tiyak na hihimayin ng House of Representatives at Senado.

Hindi kailangan magdiwang ang incumbent barangay chairpersons at mga kagawad na muling mapapalawig ang kanilang mga termino dahil hindi pa naman ito isang ganap na batas.

Dadaan pa ito sa tinatawag na second reading at botohan ng plenaryo sa Kamara ganoon din naman sa Senado para maging batas ang nasabing panukala. At para maging ganap na isang batas, lalagdaan ito ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Nakalulungkot kung tunay na lulusot sa Kongreso ang panukalang batas sa pagpaliban ng barangay election sa darating na Oktubre.

Mismong si Duterte na kasi ang nagbunyag na maraming barangay chairpersons, mga kagawad at tanod ang gumagamit at sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

At kung matutuloy ang pagpapaliban ng barangay election, maituturing na tagumpay ito ng barangay officials na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Kaya nga, bakit hindi hayaan ang taongbayan ang humusga sa mga lingkod bayan sa darating na halalan sa Oktubre?

Umaasa tayong mabibigo ang planong postponement ng barangay election sa Kongreso at manaig sa halalan ang boses ng mamamayan.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *