Monday , December 23 2024

Cause & effect sa magulong desisyon ng Ombudsman sa Puerto Princesa

LABAN at bawi na desisyon ng Office of the Ombudsman ang nagpapalala sa situwasyon sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ang ugat ng gulo o nagpapalito sa mamama-yan ng Puerto Princesa ay kaugnay sa magulo at nakalilitong desisyon ng ahensiya hinggil sa kaso ng nakaupong alkalde ng lungsod na si Lucilo Bayron.

Noong 18 Nobyembre 2016, nagpalabas ng desisyon ang Ombudsman na sibakin si Bayron matapos mapatunayan na may nagaganap na “nepotism” nang kuning kawani sa city hall ang kanyang anak na si Karl.

Ang mas malala rito, itinanggi ng alkalde ang kanyang relasyon kay Karl.

Dahil dito, umupo ang bise na si Luis Marcaida III noong 24 Pebrero 2017 sa utos ng DILG batay na rin sa desisyon ng Ombudsman.

Pero, noong 20 Marso 2017, nagpalabas uli ng deisyon ang Ombudsman. Binawi ang unang desisyon at ipinasususpendi nang tatlong buwan ang alkalde makaraang tumakbo ng saklolo sa Court of Appeals (CA).

Ngunit, heto na naman ang Ombudsman – 28 Hulyo 2017, binawi ng Ombudsman ang suspension order. Ipinababakante muli kay Bayron ang posisyon.

Ang gulo!

Dahilan para tumakbo sa DILG central office si Marcaida para linawin ang lahat. Anang DILG kay Marcaida, nakipag-ugnayan na sila sa Ombudsman na linawin mabuti ang lahat bago iimplementa ang pinakahuling desisyon.

Ngunit, hindi naman ito ang inaaalala ni Marcaida — ang desisyon — dahil hindi naman siya nag-aapura sa pag-upo bukod sa kaibigan at kapartido niya si Bayron, sa halip ang pinanga-ngambahan ng bise, ang paninira sa kanya.

May local group leaders na kumikilos sa apat na sulok ng lungsod. Ipinagkakalat na si Marcaida ay kabilang daw sa talaan ng narco-politicians ni Pangulong Duterte.

Nagpapapirma pa nga raw ng campaign signature ang ilan sa group leaders.

Pero sa hawak na talaan ng Palasyo o ni Pangulong Digong, hindi kabilang si Marcaida sa listahan. Meaning malinis ang bise.

Ngayon, dahil sa ginagawang paninira kay Marcaida, nangangamba siya para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

Ang masaklap, ayon kay Marcaida, ang de-molition job o open letter na nagsasangkot sa kanya sa illegal drug activities ay ipinadala sa Malacañang.

“Siyempre natatakot ako baka ang mga taong nasa likod nito ay may masamang binabalak sa akin o ‘di kaya sa aking pamilya at palalabasin nila na ako ay isang narco-politician,” pangamba ng bise alkalde sa isang presscon sa Quezon City kamakailan.

Katunayan, personal na beneripika ni Marcaida kung kabilang ang kanyang pangalan sa narco-politicians list ni Pangulong Digong at napatunayan niyang wala siya sa listahan.

Isa sa pinangangambahan ng bise sa hakbangin laban sa kanya ay baka gagawa ng senaryo ang mga nasa likod ng poison letter na magresulta sa malalang situwasyon — hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanyang pamilya.

Kaya sa pamunuan ng Ombudsman, lalo sa humahawak sa kaso ni Bayron, ano ba talaga ang desisyon ninyo?!

Manindigan po kayo!

Aba’y kita n’yo naman siguro ang masamang epekto ng magulong desisyon ninyo. Hindi lang buhay ni Marcaida ang naaapektohan kundi ma-ging ang kanyang pamilya.

Sa Ombudsman, linawin ninyo ang lahat. Huwag ninyong hintayin na dumanak pa ang dugo sa Puerto Princesa. Pamilya na ni Marcaida ang pinag-uusapan dito na apektado nang todo.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *