Friday , November 15 2024

Walang delicadeza si Sen. Ralph Recto

IPINAGPIPILITAN ng mga mambabatas na idiin ang pagsibak kay Commissioner Nicanor Faeldon sa Bureau of Customs (BOC) para maisalba ang sindikato na nagpasok ng P6.4-B shipment ng shabu sa bansa.

Hindi magkandatuto si Sen. Ralph Recto at ang ibang mambabatas kung paano bibilugin ang ulo ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte para sibakin si Faeldon sa puwesto bilang hepe ng Customs.

Si Recto ay kabilang sa mga senador na principal suspect, este, principal sponsor o ninong sa kasal ni Kenneth Dong, ang ‘middleman’ na kasama sa mga pinangalanang sangkot sa P6.4-B smuggling ng shabu.

Kung may sensibilidad si Recto, imbes makisali ay nanahimik na lang dahil siya at ang mga senador na katuwang niya na ninong sa kasal ni Kenneth Dong ang pinakahuling mga nilalang na puwedeng tumahol laban kay Faeldon at sa Customs. (Tama ba, former Customs deputy commissioner at MMDA Chairman Danilo Lim?)

Wala yata sa bokabularyo ni Recto ang salitang delicadeza.

Eeew!!!

SINO ANG PADRINO
NI MAITA ACEVEDO?

ISANG Maita Acevedo ang kasama sa mga pinangalanang ‘tinatarahan’ ng kunwa-kunwariang broker na si Mark Ruben Taguba sa Customs.

Malayo na pala ang narating ni Acevedo, kasalukuyang hepe ng Formal Entry Division (FED) sa Manila International Container Port (MICP).

Itinanghal na kilabot sa ‘patalon’ ng mga kontrabando ang MICP habang si Acevedo ay hepe pa lamang ng Section 12 noong 2009.

Ang ipinagtataka lang natin ay kung bakit wala tayong narinig ni isang mambabatas ang nananawagan na paimbestigahan si Acevedo na kasama sa listahan ng mga tinatarahan ni Taguba sa Customs.

Kasabay na napaulat noon na kagilagilalas ang yaman ng isang babaeng section chief sa MICP.

Ayon sa Customs insiders, ang babaeng opisyal ay nakapagpatayo ng malaking mansion sa isang subdivision sa loob ng BF Homes sa Parañaque at nagmamay-ari ng sangkatutak na mamahaling sasakyan.

Sana, si Acevedo na deretsahang pinangalanan ay agad isalang sa lifestyle check ng Department of Finance (DOF), National Bureau of Investigation (NBI) at Office of the Ombudsman.

Kay Faeldon at sa kanyang mga kasama lang ba interesado ang mga mambabatas at hindi sa mga tulad ni Acevedo na dati nang nagpapasasa sa Customs?

Abangan!!!

ILL-GOTTEN WEALTH
NI TAGUBA, IPABUSISI
SA BIR AT AMLAC

MATAPOS aminin ni Taguba na marami na siyang nailusot sa Customs, ibig sabihin ay malaki na rin ang kanyang nakamal sa ilegal na negosyo sa Customs.

Ngayon dapat masubok ang tikas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Digong para busisiin ang yaman ni Taguba.

Balita natin, sa loob lamang ng maikling panahon, si Taguba ay marami nang naipundar na malalaking property. Isang latest model na Ford Mustang ang naispatang gamit ni Taguba kapag magsusugal sa casino.

Dapat din mag-imbestiga ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at busisiin ang bank accounts nitong si Taguba.

Hindi ba ‘yan naman ang normal na dapat sana ay agad ginagawa ng BIR at AMLC sa mga may hindi maipaliwanag na yaman, lalo’t wala namang lehitimong negosyo si Taguba?

Dito lang sa atin mabagal ang proseso ng batas at nabibigyan pa ng legislative immunity ang mga tulad ni Taguba at mga kasapakat niya sa smuggling ng ilegal na droga, imbes ikulong.

Isailalim sa freeze order ang mga ari-arian at bank account ng damuhong si Taguba habang iniimbestigahan at kompiskahin.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *