Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, sobrang proud sa Wildflower

NOONG nagpakasal si Sunshine Cruz kay Cesar Montano noong taong 2000, nag-lie low siya sa showbiz. Nag-concentrate na lang muna siya kay Cesar at sa pag-aalaga ng kanilang tatlong mga anak na babae na sina Angeline Isabelle, Angel Franchesca, at Samantha Angeline.

Pero noong maghiwalay sila ni Cesar taong 2013 ay nag-decide siyang bumalik sa showbiz. Lumabas siya sa ilang mga programa ng ABS-CBN. Natutuwa naman si Sunshine na tinanggap siyang muli ng publiko.

“Blessed po ako at malaking pasasalamat sa showbiz lalo na sa ABS-CBN sa tiwalang ibinibigay nila sa ‘kin. Mula nang magbalik showbiz po ako noong 2013, ay dire-direcho ang serye na aking ginagawa sa kanila. Unang serye na ibinigay nila sa akin ay ‘yung ‘Dugong Buhay’ then ‘Galema’, ‘Purelove’, ‘OMG’, ‘Dolce Amore’, at itong ‘Wildflower’. Sobrang saya kasi nakakapag- provide po tayo ng maayos sa tatlong mga anak ko, dahil sa tiwala at pagmamahal sa akin ng ABS-CBN,” sabi ni Sunshine.

Patuloy niya, “I never imagined na magbabalik artista pa ako, kasi naka-mind set na po ako, na focus na lang sa family life. Plus I thought, wala na pong kukuha at magtitiwala sa akin, kaya nag-concentrate na lang din po ako sa pamilya ko for 13 years. Lesson I learned with life, is to never give up, have faith in God and just always focus on positive things para maganda rin po ang pasok ng biyaya sa buhay mapa-personal or trabaho. Mahalin po natin ang mga tao na nagmamahal at nagbibigay importansiya sa atin at umiwas sa mga taong negative ang dala. Nakakapangit po ‘yun kasi haha,” natatawang sabi pa ni Sunshine nang maka-chat namin sa Facebook.

Sa Wildflower ay gumaganap si Sunshine bilang si Camia Cruz.

“Very happy po ako sa ‘Wildflower’ dahil sobrang tumatak si Camia Cruz sa mga televiewer. Actually lahat po ng characters sa ‘Wildflower’ kinakapitan ng tao. Napakainit ng pagtanggap ng mga tao sa seryeng ito. Nakaka-proud po na napabilang ako rito.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …