Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
vhong navarro tanya bautista

Vhong tiniyak ang pagpapakasal kay Tanya

HINDI pa rin talaga natitinag ang kasikatan ng Prime Comedian na si Vhong Navarro kahit nasangkot sa eskadalo na nagbunga ng malaking kontrobersiyal noong 2014. Hanggang ngayon, patuloy pa rin siyang nakikipaglaban sa mga taong muntik sumira sa kanyang magandang pangalan.

Nang makapanayam namin si Vhong sa grand press conference ng pelikulang Woke Up Like This sa Valencia Events Place, umiwas si Vhong na mapag-usapan ang ukol sa panibagong rape case na isinampa sa kanya na ang tanging nasambit lang niya ay, ”Hintayin ko na lang ang desisyon ng korte . Wala pa naman akong warrant of arrest,” aniya.

Kaya na-focus ang usapan sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya Bautista na balitang plano na niyang iharap sa dambana.



“Plano pa lang!,” mabilis na sagot ni Vhong. ”Wala pang details kung kailan at saan kami magpapakasal. Ayoko pang sabihin kung kailan o kung anong taon kasi naano eh. Bawat ano kasi nauudlot. Hindi pa rin ako diretsahang nagsasabi sa kanya tungkol dito. ‘Yung girlfriend ko kasi ayaw niya ng sorpresa talaga kailangan I-propose mo sa kanya. Pero hindi pa ako nagpu-propose sa girlfriend ko.”

Ayon pa kay Vhong may mga dahilan kung bakit laging naaantala ang plano niyang pagpapakasal dahil nga sa mga kasong kayang kinakaharap. Gusto ni Vhong na matapos muna ang lahat ng problemang kinasangkutan bago niya harapin ang panibagong yugto ng kanyang buhay sa piling ng ni Tanya.

“Sobrang understanding naman siya. Sobrang laging nasa likod ko. Kumabaga , kung anuman ‘yung mga bagay na nangyayari sa akin todo suporta siya.

“Honestly, isa nga ‘yan talaga sa mga rason kung bakit medyo naantala ng naantala. Eh, kaya lang kasi God eh.



“Sa kanya ko… kung talagang kasama ito sa daloy ng lahat sa buhay ko, ‘yung mga pagsubok na ganito eh, dapat matanggap natin ‘yan.

“Kumbaga hindi naman puwedeng huminto ang isang pangarap natin, sa isang taong naghihintay sa atin, at heto nga ‘yung girlfriend ko, ‘di ba? Kaya nga sabi ko, ayaw kong magsabi ng taon at buwan kung kailan.

“Anuman ang mangyari sa buhay ko itutuloy at ituloy ko ‘yun. Kahit pa siguro patuloy pang dinidinig sa korte ang kaso ko at kung kailangan ituloy ko na ang pagpapakasal, gagawin ko.

“Alam naman natin nagkaka-edad na tayo so, ‘di natin alam kung ano ang mangyayari bukas. Ayoko namang ‘yung kung kailan uugod-ugod ka na at saka mo palang maiisip na magpakasal. Mabibigla na lang siya isang araw….bibiglain ko na lang siya,” sabay tawa ni Vhong, na bida sa pelikulang Woke Up Like This with prime actress Lovi Poe na nakatakdang i-showing sa August 23 in cinemas nationwide at ito ay sa direksiyon ng baguhang si Joel Ferrer handog ng Regal Entertainment, Inc..

ni RICO MIRANDA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …