Sunday , August 24 2025

Coco, hawak pa rin ang pagiging Primetime King

HAWAK pa rin ni Coco Martin ang trono bilang Primetime King ng ABS-CBN 2. Hindi pa rin ito naagaw ni Daniel Padilla pagdating sa ratings.

Mas pinanood ng mas maraming Filipino sa buong bansa ang mga hatid na aral at makabuluhang balita ng ABS-CBN noong Hulyo dahil bukod sa entertainment programs, tinutukan din ang news programs nito gaya ng TV Patrol at ang special coverage nito ng SONA.

Base sa datos ng Kantar Media, nagkamit ang Kapamilya Network ng average audience share na 46% sa pinagsamang rural at urban homes.Mas pinanonood nga ng mga Kapamilya sa buong bansa ang SONA live coverage ng ABS-CBN na Pangakong Pagbabago: State of the Nation Address 2017″ na nagkamit ng average national TV rating na 16.6%.

Nanatili namang nangungunang news program sa bansa ang TV Patrol(30.8%) sa pagbibigay nito ng mga maiinit na balita at impormasyon gabi-gabi.



Samantala, nanguna ang FPJ’s Ang Probinsyano (37.3%) sa listahan ng mga pinakapinanood na mga programa noong Hulyo sa pagbubukas ng bago nitong yugto sa pagpasok ni Cardo (Coco) bilang parte ng Special Action Force (SAF). Walang humpay din ang naging pagtutok sa La Luna Sangre (34.8%) noong nakaraang buwan matapos ang pinag-usapang transformation ni Malia (Kathryn Bernardo) bilang Miyo at ang paglalapit ng landas nila ni Tristan (Daniel).

Tinutukan din sa telebisyon at maging sa online world ang matinding bosesan sa The Voice Teens (34.2%), na itinanghal si Jona Soquite ngTeam Sarah bilang kampeon. Sumunod naman ang madamdaming mga kuwento ng letter senders sa nagkamit ng 31.1%.

Napukaw naman ang puso ng mga manonood sa mga aral na hatid ng Wansapanataym matapos nitong magkamit ng 28.3%. Katatawanan naman ang hatid ng weekend comedy programs na Home Sweetie Home(23.3%), na sumasalamin sa masaya at matibay na samahan ng pamilyang Filipino, at Goin Bulilit (20.7), na nagpapakita naman ng talento ng mga kabataan pagdating sa katatawanan. Hindi rin naman magpapahuli sa listahan ang Wildflower (23.9%).

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Robin Padilla Nadia Montenegro

Nadia nagbitiw na bilang political officer ni Robin

MA at PAni Rommel Placente NAG-RESIGN na si Nadia Montenegro bilang political officer ni Sen.Robin Padillahabang iniimbestigahan ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Fans ni Kathryn tanggap si Mayor Mark  

MA at PAni Rommel Placente NAKATUTUWA naman ang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo. Very understanding sila …

Vivian Velez Vice Ganda

 Vivian Velez nahalukay dating scandal sa pagsawsaw kay Vice Ganda 

I-FLEXni Jun Nardo NAHALUKAY ang nakaaang scandal ng aktres na si Vivian Velez ng isang netizen na …

Blind Item Corner

Junior actor posibleng masibak namumuro sa pagiging late 

I-FLEXni Jun Nardo NABUWISIT ang dalawang senior actor sa isang junior actor na madalas napapanood sa sexy films. Ang …

Cecille Bravo Rosa Rosall Legacy Award

Philanthropist/Businesswoman Cecille Bravo emosyonal sa Rosa Rosal Legacy Award 2025

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maluha ng Vice President Admin and Finance ng Intele Builders …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *