Monday , December 23 2024

Pasig River pasok sa 2017 Riverprize Award…

 

PASOK sa 2017 Riverprize Award finals ang Pasig River?

Oo naman, ano akala ninyo sa ilog natin ngayon, wala nang silbi? Mali pala tayo o ang nakararami sa impresyon sa nasabing ilog dahil, may ibubuga pala ang ilog.

Akalain ninyo, isa pala ang ilog sa finalist. Ibig sabihin, malaki na ang ipinagbago ng Pasig River dahil kung hindi, ito ay hindi kilalanin na ang ibig sabihin, ‘basura’ na ang nasabing ilog.

Pero lingid pala sa kaalaman nang marami ay malaki na ang ipinagbago ng ilog.

Teka, hindi ba tayo nananaginip, Pasig River isa sa finalist? Ang kulit mo talaga ha!

Anyway, kasama nga ang Ilog Pasig ng Filipinas bilang isa sa limang finalist ng 2017 Thiess International Riverprize mula sa pamosong International River Foundation (IRF) na kumikilala at nagbibigay gantimpala sa mga organisasyon ng mga bansa na may pinakamahusay na programa hinggil sa restorasyon at pangangasiwa ng ilog.

Ayon kay Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pep” E. Goitia, isang malaking karangalan na maging finalist sa naturang prestihiyosong award.

“Ang mapabilang na finalist ang ating Ilog Pasig sa 2017 Thiess International Riverprize ay resulta ng pagpupunyagi ng PRRC simula nang maitatag ito noong 1999,” pahayag ni Goitia sa isinagawang 1st State of the Pasig River Address kamakailan sa Sulo Riviera Hotel.

Idinagdag ni Goitia na ipinarating mismo ng Thiess International Riverprize Chairman of the judging panel na si Professor Bill Dennison ang pagbati sa PRRC na napabilang sa finalists na may pinakamataas na karangalan sa restorasyon at proteksiyon ng ilog.

“Makakalaban ng ating Ilog Pasig ang Tweed River ng United Kingdom. Habang para sa Estados Unidos, napabilang ang San Antonio River sa Texas at ang Nushagak at Kvichak Rivers sa Alaska,” ani Goitia.

Idiniin ni Goitia na pangulo rin ng PDP Laban San Juan City Council na tanging ang Filipinas lamang ang third world at developing country na nakapasok sa finals para sa taong ito na makikipagsabayan kontra sa dalawang higanteng bansa.

Ipinabatid ni Dennison na tumanggap sila ng record number na 31 submissions at higit pang tumaas ang kalidad ng mga kalahok na kanilang natanggap.

“The finalists represent a stellar selection of river management efforts from around the world. From the restoration efforts in the River Tweed in Scotland, to the conservation efforts of the Nushagak and Kvichak Rivers in the remote Alaskan wilderness, to urban river restoration in the Pasig River in the Philippines and the San Antonio River in Texas, these different river stories are united by a common theme: excellence in river management,” diin ni Dennison.

Kasamang magtutungo ni Goitia si PRRC Head of Public Information, Advocacy and Tourism Division George Oliver G. De La Rama na naatasan upang kumatawan at ipagtanggol ang Pasig River sa harapan ng mga hurado sa 20th International River Symposium sa 18-29 Setyembre 2017 sa Australia.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *