10 Hulyo 2017
GLORIA GALUNO
Managing Editor
Hataw
Room 106, National Press Club Building
Magallanes Drive, Intramuros
Manila
B. Galuno:
Ito ay bilang tugon sa isinulat ni G. Percy Lapid sa kanyang pitak na may pamagat na, “Attention: DOLE at SSS” na nailathala noong Hulyo 5, 2017.
Isinulat ni G. Lapid ang ukol sa reklamo ng isang empleyado ng Flying V Kauswagan Highway sa paghuhulog ng SSS contributions ng nabanggit na (kumpanya).
Ayon sa live-in partner ng di-nagpakilalang empleyado ng Flying V Kauswagan Highway, pitong taon na nagtrabaho ang kanyang asawa sa Flying V ngunit ng nag-check sila sa SSS ay walang remittance.
Ipinagbigay-alam na namin sa SSS Cagayan de Oro Branch ang kanyang reklamo. Iminumungkahi rin namin na siya ay maghain ng non-remittance complaint sa SSS Cagayan de Oro Branch para maimbestigahan ang Flying V Kauswagan Highway. Magdala siya ng payslip at company ID o anumang katibayan ng kanyang pagtatrabaho sa (kumpanya).
May rule on anonymity ang SSS (kung saan) hindi ibubunyag ang pangalan ng nagrereklamong miyembro kaya hindi siya dapat matakot na maghain ng reklamo.
Kung makitaan ng paglabag ang inirereklamong (kumpanya) sa mga responsibildad nito sa SSS, sila ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 28(e) ng Republic Act 8282 o ang Social Security Act of 1997 at pagbabayarin ng kanilang obligasyon sa SSS.
Sana ay mabigyan po ninyo ng puwang sa inyong pahayagan ang paglilinaw na ito.
Salamat po.
Sumasainyo,
(Sgd.) MA. LUISA P. SEBASTIAN
Assistant Vice President
Media Affairs Department