Friday , November 15 2024

Banaue Boys sa QC tuloy sa pananaga ‘este sa negosyo

TULOY pa rin sa pamamayagpag at pananaga sa presyo ang mga gumagalang “Banaue Boys” sa Banaue St. Quezon City. Bakit? Ito ay dahil tila nabigyan sila ng ‘lisensiya’ sa pagbebenta ng mga nakaw ‘este mali pala kundi ‘matinong’ spare parts ng iba’t ibang sasakyan.

Paano sila nagkaroon o sino ang nagbigay ng ‘business permit’ o ‘lisensiya?’ Actually, hindi naman business permit o lisensiya ang naibigay para magpatuloy ang Banaue Boys sa panloloko o pananaga sa kanilang kustomer, kundi mistulang binigyan sila ng basbas ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11.

Basbas? Oo, mistula silang nabigyan ng basbas makaraang gawan (buoin) ng isang organisasyon ang Banaue Boys at bigyan ng ID para makilala ang bawat miyembro ng asosasyon ng mga mananaga.

Tulad nang nabanggit natin sa unang labas hinggil sa isyu nitong Martes, 1 Agosto 2017, binigyan ng Galas PS 11 ng ID ang asosasyon (hindi pala QCPD ID ang ibinigay) para gamitin ito araw-araw sa panghaharang ‘este, pagbebenta ng spare parts sa kahabaan ng Banaue St.

Lamang, dahil sa pagbubuo ng asosasyon at pagbibigay ng ID, sinasamantala ito ng Banaue Boys. Maluwag na silang nakapagbebenta sa tagang presyo at manloko. May ‘permit’ at ‘basbas’ na kasi sila mula Galas PS 11.

Pero, linawin natin na ang ID ay hindi ibinigay para maging business permit kundi para madali silang makilala ng mga bumibili. Kinakailangang laging nakasabit ito sa kanilang leeg.

Sa pamamagitan ng ID madaling mahanap ng kustomer ang Banaue boy na nabilhan nila ng piyesa lalo na kapag mali ang ibinigay sa kanila. Oo, piyesang hindi natin alam kung galing sa mga karnap at pinagtsatsaptsap na sasakyan o piyesang maaaring galing din sa matino.

Anyway, hinggil sa ID system ng Galas PS 11, nakapanayam natin si QCPD District Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar.

Inilinaw ng Director na ang layunin ng Galas PS 11 sa proyekto ay upang makilala (gagamiting profile) ang bawat Banaue boy. Madaling makilala kung sino ang matino o manggagantso. Bukod sa madali din silang makilala kung may reklamo laban sa kanila.

Anang opisyal, ang mga nairereklamo ay babawian ng ID. Meaning, hindi na sila puwedeng ‘makapagnegosyo’ sa Banaue St.

Dagdag ni Eleazar, bilang ebidensiya, maaaring kunan ng retrato ang ID ng Banaue boy para hindi makapag-deny o makapagtago sa nagrereklamong kustomer.

E, kanino puwedeng magreklamo? Sa Galas PS 11 na pinamumunuan ni Supt. Christian Dela Cruz. Gano’n?

Iyon nga lang Kernel Dela Cruz, sinasamantala ng Banaue Boys ang pagkakaroon nila ng ID. Naging lisensiya na nila ito para managa o makapanloko. Tulad nang nangyari sa kaibigan kong nakabili ng oil seal kina alyas Eddie (may ID daw siya pero hindi niya suot-suot noong oras na iyon) at Anicleto o Anastacio Villan Jr.

Akalain ninyo, oil seal P1,300 pero nauwi din sa presyong P1,000. Tinawaran ng P500 ngunit, tumanggi si Eddie Taga.

Heto pa ang masaklap, nitong Martes, pinapunta ko sa Banaue si Alex Mendoza, Hataw photojournalist, para kunan ang ID ng Banaue Boy sa lugar para gamiting file. Aba’y ang sabi ba naman ng presidente nila e, bawal daw o kinakailangan daw ipaalam muna kay Dela Cruz. Ha! So, ibig bang sabihin nito, si Dela Cruz ang pinaka-bossing ng Banaue Boys? Magkano?! Ang alin? Ang halaga ng mga piyesa sa Banaue Boys. Mahal sa banaue Boys, nanaga kasi sila. Hayun naman pala, linawin mo kung ano ang magkano?

Kung baga, taliwas ito sa sinabi ni DD na isa sa kondisyon ay puwedeng kunan ang ID.

Anyway, inaksiyonan agad ito ni C/Supt. Eleazar at tinawagan si Dela Cruz para aksiyonan ang nangyayaring pananamantala sa ID.

Salamat po Gen. Eleazar, sa mabilis ninyong hakbang.

Hopefully, sana lang ay hindi pinagkakakitaan ng Galas PS 11 ang Banaue Boys. Hindi naman ‘di ba Supt. Dela Cruz?

Ano naman kaya ang sey dito ng mga lehitimong negosyante sa Banaue?

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *