Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fan ni Angel, hiling ang sariling teleserye

MARAMI kaming natanggap na text messages mula sa grupo ng mga tagahanga ni Angel Locsin, ang Angel Locsin Supporters, na ang ilan sa mga member ay mula pa sa ibang bansa, na nananawagan sa ABS-CBN 2, na sana ay mabigyan na uli ng serye ang kanilang idolo na siya ang bida.

Sabik na kasi silang mapanood ang award-winning actress sa sarili nitong serye, hindi ‘yung guest lang.

And in fairness naman kay Angel, lahat ng serye na ginawa nito sa Kapamilya Network ay laging panalo sa ratings game. Kaya sana ay mapagbigyan ang kanilang kahilingan/panawagan.

Ang pagkakaalam namin, ang huling seryeng ginawa ni Angel sa Dos ay ‘yung The Legal Wife, na ipinalabas noong 2014 pa. So that was three years ago.

Oo nga naman, sobrang tagal nang walang serye si Angel kaya sana nga ay mabigyan na siya ng ABS-CBN 2. At tama naman ang Angel Locsin Supporters, na ang lahat ng ginawang serye ni Angel ay mataas ang nakuhang rating, na hindi natalo ng nakatapat nitong serye sa Kapuso Network.

Kaya deserved talaga ng aktres na magkaroon ulit ng sariling serye.

Tungkol pa rin kay Angel, gaya ng ibang artista, hindi lang dito sa atin kinikilala ang husay niya sa pagganap kundi maging sa ibang bansa rin. Sa katatapos lang na 57th Asia-Pacific Film Festival na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia, siya ang itinanghal na Best Supporting Actress para sa pelikulang Everything About Her na pinagbidahan ni Congw. Vilma Santos.

O ‘di ba, bongga si Angel? At back to back win siya, huh! Sa kauna-unahang The Eddys na ginanap noong July 9 sa KIA Theater ay siya rin ang hinirang bilang Best Supporting Actress para rin sa naturang pelikula.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …