Monday , December 23 2024

QCPD ID sa ‘Banaue Boys’ nasasamantala?

MAGANDA ang layunin ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11, sa pagbibigay ng “QCPD identification card (ID)” sa mga gumagalang ‘Banaue Boys’ sa Banaue St., Quezon City.

Ang tinutukoy nating ‘Banaue Boys’ ay mga freelance na nagbebenta ng mga ‘nakaw’ ‘este mali pala – hindi pala nakaw (sorry po ha… wala naman kasi kayong ibinibigay na resibo o OR sa inyong mga kustomer) na spare parts ng mga sasakyan.

Para mas madali pang makilala ang ‘Banaue Boys’ sila iyong nakikitang nagkalat sa Banaue St. na nanghaharang ng mga bibili ng spare parts. In short, masasabi rin na “illegal vendors” sila.

Walang puwesto, walang permit… at lalong hindi rin nagbabayad ng buwis.

Maraming beses nang nililinis ang Banaue St., mayroon ngang “Task Force Banaue” noon na binuo ng Galas Police Station 11 (ewan ko kung buhay pa ang TF sa ngayon).

Layunin ng TF ay para hulihin at sugpuin ang Banaue Boys dahil maaaring ang pinagkukuhaan nila ng kanilang ibinebentang spare parts ay mula sa mga kinarnap at pinagtsatsaptsap na sasak-yan.

Puwede!

Pero mukhang bigo ang TF o ano mang yunit ng QCPD na nagsasagawa ng kaliwa’t kanang pagsalakay sa Banaue St. Masasabing bigo dahil buhay na buhay pa rin sa negosyo ang Banaue Boys.

Ibig bang sabihin, mas matikas ang Banaue Boys kaysa mga pulis-Kyusi? Teka, ano kaya ang dahilan ng pagkabigo ng TF (noong nakaraang administration)? Hindi kaya, huli kuno ang estilo noon o ‘di kaya huling-bangketa style kung kaya, nandiyan pa rin ang Banaue Boys?

Isa pa sa dahilan kaya hinuhuli ang Banaue Boys ay base na rin sa reklamo ng mga lehitimong negosyante ng Banaue St. Bukod pa, ilan sa Banaue Boys ang tirador ng side mirror ng sasakyan na nagpapagawa sa lugar.

Ngayon, marahil nandiyan na ang Banaue Boys at mukhang ‘bahagi; na sila ng negosyo sa Banaue. Gumawa ng hakbangin ang Galas PS 11. Bakit suko na ba kayo sa Banaue Boys?

Ang hakbangin – pag-iisyu ng “QCPD ID” (actually hindi naman QCPD ID ito). Lamang, ang ID ay mula sa QCPD.

Layunin ng ‘proyekto’ ay upang makilala ang mga gumagalang Banaue Boys sa lugar. Para hindi makapanloko ng kustomer at higit sa lahat ay madali rin mahanap ang mga nakabili ng maling spare parts.

Masasabi ngang maganda ang pakay ng Galas PS 11 sa ID pero mukhang may mali. Mali dahil tila mas nabigyan ng ‘lisensya’ para makapanloko ‘este, para ilegal na makapagnegosyo ang Banaue Boys kasabwat ang kanilang pinagkukuhaan ng spare parts. Ang tanong iyong pinagkukuhaan ba ng spare parts ay lehitimong negos-yante sa lugar? I doubt!

Bukod dito, lalo rin nabigyan ng lisensiya na magbenta nang mahal o managa ng presyo ang mga may ID.

Masasabing naging ‘legal’ ang operasyon ng Banaue Boys dahil sa ipinangalalandakan nilang ID.

Nabatid natin na ipinangangalandakan nila ang ID nang mapadpad ang kaibigan natin sa Banaue. Dahil walang mabiling oil seal para sa power steering surplus na Nissan Urvan, sa mga puwesto, minabuti niyang patulan ang lumapit sa kanyang Banaue Boys.

Nagtiwala siya dahil may QCPD ID na naka-sabit sa leeg ng dalawang Banaue Boys. Ipina-ngaladakan din sa kanya na sila lang may ID ang may K na magbenta o mangharang.

Pinayuhan pa siyang, huwag bumili sa mga walang QCPD ID.

Pero, hayun ang ID ay mukhang nasasamantala dahil nabigyan naman ng ‘K’ para managa ng presyo ang Banaue Boys. Akalain ninyo ang da-lawang oil seal ay P1,300. Oil seal lang iyon ha. Surplus pa. Tumawad siya ng P500. Hindi umubra.

Dahil kailangan na kailangan, pinatulan niya ang presyong taga. Napagkasunduan na presyo ay P1,000. Pero ano pa man, taga pa rin ang presyo.

Meaning, dahil sa ID ay masasabing mas lalong nagkaroon ng lakas loob na ‘magnegosyo’ at managa… manamantala ng kustomer ang Banaue Boys. Pero, in fairness, baka… o baka hindi naman silang lahat ay ‘taga Boys.’

Uli, saan naman kaya galing ang mga ibi-nebentang spare parts ng Banaue Boys? Iyan sana ang silipin ng Galas PS 11.

Okey, maganda ang layunin ng “ID system” sa Banaue Boys pero…

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *