Monday , December 23 2024

Negosyante itinuro sa P6.4-B shabu shipment mula China

SUMUMPA sina Capt. Gerardo Gambala, command center head ng Customs; Customs Commissioner Nicanor Faeldon, at PDEA Director General Isidro Lapeña bago ang pagdinig ng Senado tungkol sa na-kompiskang P6.4 bilyon halaga ng shabu mula sa China.
(MANNY MARCELO)

ITINURO ng isang testigong sinasabing broker ng shipment ng P6.4 bilyon halaga ng shabu, sa negosyanteng si Richard Tan ang nasabing kontrabando.

Sinabi ni Mark Taguba sa Senate Blue Ribbon Committee, si Tan ang negosyanteng may-ari ng Hongfei, kompanyang nagko-consolidate ng shipments mula sa China, ay may warehouse sa Valenzuela City.

Iginuhit ang diagram sa whiteboard, ipinaliwanag ni Taguba na si Tan, sa pamamagitan ng kanyang kompanya, ay nagko-consolidate ng iba’t ibang produkto na ipadadala sa Filipinas.

Ang consolidated goods na ito mula sa iba’t ibang may-ari ay maaaring kinabibilangan ng cylinders na may lamang illegal drugs, ayon kay Taguba.

Sinabi ng testigo, ipinasa ni Tan ang package list sa middleman na kinilalang si Kenneth Dong, na siyang naghahanap ng broker na magha-hire ng Manila-based consignee para sa shipment.

Aniya, siya at kapwa consignee na si Eirene Tatad, ay hindi batid na may kontrabado sa loob ng shipment. Aniya, maaaring batid ni Tan kung sino ang may-ari ng cylinders at kung sino ang “recipients” nito.

“Dahil iba-iba po ang may-ari, iba-iba rin po ang pagdedeliberan nito. Siya rin po ang nakakikilala kung sino ang nagparating ng cylinders, si Richard Tan po. Siya rin po ang nakakikilala kung sino ang tatanggap,” aniya.

Sinabi rin niyang hindi niya kilala nang personal si Tan dahil ang kanyang kliyente ay si Dong. “Ang point ko lang po dito, meron talagang nag-process ng drugs na ‘yun,” aniya.

Ipinunto ni Taguba, hinahanap niya ang CCTV footage ng kanyang mga tauhan na nagdiskarga ng shipment sa warehouse ngunit sinabing sira ang mga camera, kaya nagduda siya.

Kaugnay nito, hiniling ni Senador Richard Gordon sa National Bureau of Investigation na mag-isyu ng hold departure order laban kay Tan.

Nais din ipatawag ni Gordon sina Tan at Dong para magpaliwanag sa Senado kaugnay sa inihayag ni Taguba.

 

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *