Monday , December 23 2024

Banta ni Bato: Narco-politicians susudsurin (Vice mayor, utol inilipat sa Camp Crame)

MARAMI pang ilulunsad na operasyon laban sa mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade kasunod ng madugong pagsalakay sa mga Parojinog sa Ozamiz City, babala ni PNP chief, Director General Ronald del Rosa, kahapon.

Sa press conference, sinabi ni Dela Rosa, ang operasyon laban sa mga Parojinog ay dapat magsilbing babala sa iba pang sangkot sa illegal drugs.

“Marami pa, hintay, hintay lang kayo. That should serve as a warning to everyone, ang PNP walang sinasanto pagdating sa enforcement ng batas, as far as law enforcement is concerned, we have no fear or favor, kung kailangang i-operate ka, operate ka talaga,” pahayag niya sa mga reporter.

Aniya, hindi lamang sa Mindanao isasagawa ang pagsalakay kundi sa buong bansa, depende sa imbestigasyon ng pulisya.

“Maraming tactical considerations, legal and everything, case buildup depende yan kung sino ang unang buildup ng case,” aniya.

Aniya ang pangalan ng nakatakdang salakayin ay base sa listahan ng hinihinalang narco-politicians na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte noon.

“I will refer you back to narco-politicans na pinalabas ni President, ‘yun ang aming basis para mag-conduct kami ng case buildup against them. Then if the case is already built up, we will operate against them,” aniya.

Nang itanong kung gaano kahalaga ang drug raid sa Ozamiz, sinabi ni Dela Rosa, maraming mga krimen sa Metro Manila ang kinasangkutan ng crime groups na konektado sa mga Parojinog.

“Everything goes back to Ozamis. Lahat ng malalaking kaso dito sa Metro Manila— bank robbery, Martilyo Gang, ‘yung mga kidnapping for ransom, rescue ng Chinese drug lords, lahat ng investigation going back to Ozamiz City, ‘yung mga involved d’yan is Ozamiz group at saka yung Kuratong Baleleng,” aniya pa.

Naniniwala ang PNP chief na ang mga sangkot sa krimen ay mag-iingat na ngayon.

“Let us see, tingnan natin kung magtapang-tapangan pa ba ‘yung Ozamiz group itong panahon na ito,” aniya.

Aniya, kung siya ang masusunod, nais niyang manatiling buhay si Mayor Reynaldo Parojinog upang sagutin ang mga kaso laban sa kanya ngunit nais din niyang mabuhay ang kanyang mga pulis.

“I want him alive to answer the charges pero kung lumaban siya, then I want my men alive more than him ‘pag siya lumaban. After the smoke is cleared, it should be the good man standing and the bad man lying on the pavement,” dagdag ni Dela Rosa.

VICE MAYOR, UTOL
INILIPAT
SA CAMP CRAME

DUMATING na sa Manila si Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez at kapatid niyang si Reynaldo Parojinog, Jr., nitong Lunes, isang araw makaraan ang madugong operasyon ng pulisya laban sa kanilang pamilya.

Ini-eskortan ng mahigit 20 tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group, ang vice mayor at kanyang kapatid ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dakong 8:45 a.m.

Umalis ang grupo sa Ozamiz City lulan ng Philippine Air Lines flight dakong 6:45 a.m.

Mula sa paliparan, ang magkapatid na Parojinog ay dumating sa Camp Crame dakong 10:30 a.m. at idineretso sa Philippine National Police’s Custodial Center.

Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group chief, Director Roel Obusan, ang magkapatid na Parojinog ay dinala sa Manila dahil ang search warrant na ginamit ng Ozamiz police sa pagsalakay nitong Linggo ay inisyu ng Quezon City Regional Trial Court.

Ayon kay Obusan, may posibilidad na hilingin nila sa korte na dinggin sa Metro Manila ang mga kaso laban sa mga Parojinog.

“Kung posible na malipat ang pagdinig dito na lang to save cost. Very expensive kapag doon at ‘yung security nila,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *